P1M target: Fundraising drive ni Bela Padilla para sa mga apektado ng lockdown umabot sa higit P3 milyon

  • Umabot sa mahigit P3 million ang mga donasyong nakalap ni Bela Padilla sa kanyang “Pagkain para sa Pinoy” fundraising campaign sa loob lang ng 3 araw
  • Isang milyon lang ang halagang target na makalap ng aktres sa loob ng 15 days
  • Gagamitin ni Bela ang donasyon sa feeding program para sa mga mahihirap na naapektuhan ng enhanced community quarantine

Naglunsad ang aktres na si Bela Padilla ng isang fundraising campaign upang makakalap ng mga donasyon na gagamitin sa pagpapakain sa mga taong higit na naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine.

Imahe mula sa Instagram account ni Bela Padilla

Isang milyon lang ang target niya sa kampanya na tatagal sana hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso, pero dalawang araw pa lang ang lumipas nang simulan niya ito noong March 15 ay nahigitan na ang target.

Umabot sa P1,370, 536 ang halaga ng mga donasyon mula sa 1,142  na tumalima sa kanyang panawagan kaya itinigil na ang “Pagkain Para sa Pinoy” campaign sa GoGetFunding page na ginawa niya. Marami pa ngang mga nais mag-donate ang  humiling na muling buksan ang campaign page.

“I will close the GoGetFunding page at midnight later so I can compute exactly how much food we can donate! Again thank you! And we still have 41/2 hours to keep on donating,” anang aktres matapos maabot ang target na halaga noong March 17, 2020.

Ngayong Miyerkules, ika-18 ng Marso, nagulat ang aktres matapos niyang makatanggap pa ng dalawang milyong pisong donasyon kaya umabot na sa mahigit P3.3 million ang nakalap niya para sa feeding program na planong isagawa sa buong Metro Manila.

Screenshot ng GoGetFunding page ng kampanya ni Bela Padilla

“I was just woken up by a call. Somebody donated 2 million pesos. We are now at 3.3M pesos,” tweet ng aktres 8:56 am ngayong ika-18 ng Marso.

Ibinahagi rin ni Bela ang alok na tulong ng aktor at negosyanteng si Marvin Agustin na handang buksan ang isa sa mga kusina ng mga restaurant na kanyang pag-aari upang magamit sa pagluluto ng mga pagkain.

Screenshot ng tweet ni Bela Padilla

Loading…