“Pa-mine lang po:” Mock online selling ng ataul para sa matigas ang ulo na ayaw sumunod sa quarantine

  • Netizen sa Pampanga, nagsagawa ng mock online selling ng mga ataul
  • Ang sarkastikong online selling ay isang patama sa mga taong ayaw sumunod sa home quarantine protocol 
  • Mahigit 2.3 million na ang views ng ataul online selling

Isang netizen na may pagawaan ng mga kabaong o ataul ang gumawa ng “mock online selling” para sa mga mamamayang matitigas ang ulo na hindi sumusunod sa mga patakaran ng pamahalaan sa enhanced community quarantine tulad ng mga nahuling tambay pa rin nang tambay kung saan-saan at labas nang labas nang bahay gayong wala namang napakahalagang lalakarin.

Screenshot mula sa video ni Kerovine Castro

“Eto na mga kababayan murang packages pa-mine lang po. Para sa matitigas ang ulo na gusto lumabas at maglibot… pili muna kayo. After 14 days kukunin ko na kayo,” ang caption niya sa video na in-upload sa Facebook.

“Magandang araw po mga kababayan, ito na po ‘yung hinihintay n’yo…mag-o-online selling na po ako para po sa mga gusto pang lumabas ng bahay,” bungad ni Kerovine Castro sa video.

May pagka-sarkastiko pa niyang pinapipili ang mga taong gusto pang lumabas ng bahay sa gitna ng ipinatutupad na lockdown sa buong Luzon.

“Pili na po muna kayo bago kayo lumabas ng bahay. ‘Yan po ang mga packages namin. Pa-mine lang po, ha,” aniya.

Ipinakita ni Kerovine ang marami niyang stock ng mga ataul na may iba’t ibang disenyo. May yari sa kahoy at mayroon ding gawa sa metal.

“Napakarami po para sa matitigas ang ulo,” sabi pa niya sa viral video niya na mayroon nang 2.3 million views at 137,000 shares.

Imahe mula kay Kerovine Castro

Ang pagawaan ng mga ataul na pag-aari ni Kerovine ay matatagpuan sa Pampanga kung saan may 315 persons under monitoring (PUM) sa coronavirus disease. Ang anim sa mga PUMs ay naging persons under investigation (PUI) matapos magpakita ng sintomas ng sakit.

Ayon sa Porac Task Force, 36 sa mga PUMs ang hindi nakatapos ng 14-day self-quarantine dahil nag-abroad.

Eto na mga kababayan murang packages pa mine lang po..Para sa matitigas ang ulo na gusto lumabas at mag libot pili muna kayo after 14days kukunin kona kayo???#triplekfuneralservices

Posted by Kerovine Castro on Saturday, March 21, 2020

 

Source :

Facebook

Loading…