Paalala ng anak ng frontliners: Stay at home so that they can come home too

Imahe mula sa Facebook | Hienrica Louinski Romero
  • Gamit ang isang papel ay naghatid ng mahalang mensahe ang isang apat na taong batang lalaki
  • Paalala niya, ‘wag munang lumabas ng bahay nang sa gayon ay hindi na madagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa
  • Kapwa mga nurse ang kaniyang mga magulang at ilang araw na silang hindi nagkikita dahil pinoproteksyonan nila ang anak na may asthma

Naantig ang netizens sa larawan ng isang apat na taong gulang na bata na may hawak na placard na nagpapaalala sa mga mamamayan na manatili sa kanilang bahay upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

“My mom and dad are frontliners. Please stay at home so that they can come home too,” nakalagay sa hawak na placard ni Redd.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, March 15 pa hinihintay ng bata na umuwi ang kaniyang mga magulang na kapwa mga nurse sa Tarlac. Ang kaniyang ina ay nasa private h0spital habang ang ama naman ay nagtatrabaho sa pampublikong 0spital.

“On March 15 he was waiting for his parents to come home, we received a message from them that they will not go home because they were exposed to PUI patient, they wanted to protect Redd because he is asthmatic,” sabi ni Romero sa pahayagan.

Dagdag ni Romero, malungkot daw siya dahil sakitin ang kaniyang pamangkin ngunit kahit nurse ang mga magulang nito ay hindi siya naaalagaan dahil sa sitwasyon ngayon.

“Naawa ako sa kaniya, kase bata pa siya and kailangan niya ‘yung magulang niya. Pero on the other side naman, naiisip ko pa din na madaming matutulungan ‘yung parents niya,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Philippine Star

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nakauuwi ang mag-asawa kaya hiling nila, sana ay sundin ng mga Pilipino ang mahigpit na bilin ng Department of Health na kung hindi naman mahalaga ang gagawin ay manatili na lamang sa loob ng bahay.

“Para malaman ng mga ibang taong pasaway na while hindi sila nakikinig sa rules natin ay may mga batang naghihintay sa kanilang magulang na nagta-trabaho sa h0spital,” ani Romero.

Nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon sa kasalakuyan bilang parte ng mga hakbang upang mapigilan ang pagtaas ng kas0 ng COVID-19 sa bansa. Umabot na sa 500 ang kumpirmadong kas0 nito sa Pilipinas.

Sa comment section ng larawan, bumuhos ang panalangin para sa mga magulang ni Redd.

“I am praying for your Mom and Dad and I wish they will come home safe. Your Mom and Dad are special heroes. No amount can repay their bravery,” sabi ni R. Dela Torre.

Loading…