Paalala ng ina sa mga anak: “Dahan-dahan sa pagkain, community quarantine ang tawag, mga anak, hindi community picnic”

  • Naaliw ang mga social media users sa paalala ng isang ina sa kanyang mga anak
  • Dahan-dahan daw sa kain dahil nauubos na ang pera ng ina sa kababalik sa grocery store
  • Hindi pa man daw nagsisimula ang lockdown sa lugar nila ay nauubos na ang inimbak na mga pagkain

Kinaaliwan sa social media ang paalala ng isang ina sa mga anak sa ipinaskil sa taguan nila ng mga inimbak na pagkain. Hindi pa man daw nagsisimula ang lockdown sa kanilang lugar ay nauubos na ang mga pinamili sa grocery store.

Imahe mula kay Dabby Melgarejo

Sabi ng ina sa mga anak, magdahan-dahan sa kain dahil naubos na ang pera sa kababalik sa tindahan.

“Mga anak, lalo ka na Rob, dahan-dahan naman sa kain. Nakailang balik na ako sa grocery store. Wala na tayong pera. Hindi ‘to bahay ni Big Brother. Hindi pa nagsisimula ang lockdown ubos na. Community quarantine ang tawag, mga anak, hindi community picnic. Please lang – Mommy,” ang nakakatuwang paalala ng nanay na nakilalang si Ria Melgarejo ng Kalibo, Aklan.

Ipinost ng asawa niyang si Dabby sa Facebook ang larawan ng ipinaskil ng misis. Tawang-tawa raw siya sa ginawa ng asawa kaya ibinahagi niya iyon sa social media. Marami naman ang natuwa sa post kaya agad iyong nag-viral.

Sa ngayon, ang post ni Dabby Melgarejo ay mayroon nang mahigit 33,000 reactions, 7,100 comments at 53,000 shares.

Apektado rin ng pandemic ang Aklan, kung saan naroroon ang Boracay na dinarayo ng mga turista na ang karamihan ay mula sa China at South Korea.

Imahe mula kay Dabby Melgarejo

Mahigpit ngayong nagpapatupad ang pamahalaan ng Aklan  ng pagbabawal sa malakihang pagtitipon at pagdaraos ng mga public events upang maiwasan na mahawahan ng virus ang mga residente. Sa ngayon ay wala pangkaso ng COVID-19 doon.

Simula April 1, 2020 ay ipatutupad ang Panay-wide community quarantine. Ang Panay Island ay kinabibilangan ng Aklan, Antique, Capiz at Iloilo. Tatagal iyon ng 14 days.

Imahe mula Island Hopping in the Philippines
Source :

Facebook, PNA

Loading…