Paalala ng netizen: ‘Wag puro alcohol, maligo rin kayo’

Imahe mula sa Facebook | Emmanuel Miguel Dagdagan
  • Nagpaalala ang isang netizen na hindi lamang dapat alcohol ang gamitin upang siguraduhin ang kalinisan ng katawan sa gitna ng pagtaas ng kas0 ng COVID-19
  • Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, mas mainam pa rin ang paggamit ng sabon at tubig dahil napupuksa nito ang mga mikrobyo
  • Ipinaaalala ng gobyerno sa mga Pilipino na panatilihin ang kalinisan, iwasan ang paghawak sa mukha, at palakasin ang resistensiya upang hindi tamaan ng COVID-19

Ipinaalala ng isang netizen sa mga Pilipino na hindi sapat ang paggamit ng alcohol upang mapanatili ang kalinisan ng katawan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula sa Facebook | Emmanuel Miguel Dagdagan

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Emmanuel Miguel Dagdagan ang larawan ng estante ng sabon na punung-puno pa ng laman.

“Nagpaparamdam ang Safeguard, kaya pinailaw na nila. ‘Wag puro alcohol. Maligo rin daw kayo,” sabi niya sa kaniyang FB status na ngayon ay may 8.7k reactions at 11k shares na.

Matatandaan na nagkaubusan na ng stock ng alcohol sa mga tindahan, drug store, at grocery. Ito ay matapos na mag-hoard ang ilan upang ibenta ito sa mas mataas na halaga online.

Paalala naman ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), gamitin lamang ang alcohol at hand sanitizers kung walang tubig at sabon.

Imahe mula sa Unsplash

“If soap and water are not available, use an alcohol-based hand sanitizer that contains at least 60% alcohol,” sabi nila.

Ngunit hangga’t maaari raw ay dapat maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig dahil mas epektibo ito sa pagpuksa ng ilang mga mikr0byo.

“Soap and water are more effective than hand sanitizers at removing certain kinds of germs, like Cryptosporidium, norovirus, and Clostridium difficile,” sabi ng CDC.

Patuloy ang pagpapaalala ng Department of Health na panatilihin ang proper hygiene, iwasan ang paghawak sa mukha, at palakasin ang resistensiya nang sa gayon ay hindi kapitan ng COVID-19.

Keep safe, everyone!

Source :

Facebook, CDC

Loading…