Paano nangyari? Isang babae namataang nagja-jogging sa riles ng MRT sa bandang Shaw Boulevard

  • Trending ang video ng isang babae na nakuhanan ng video na nagja-jogging sa riles ng MRT
  • Hindi nila tukoy sino ang babae at kung paano ito nakapasok sa riles gayong tigil operasyon ang MRT
  • Wala pa namang pahayag ang MRT kung sino ang babae at kung sino ang nagbigay dito ng pahintulot

“Stay home.” Ito ang panawagan ng marami ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Mas mataas kasi ang tsansa na makakuha ng karamdaman ang sinumang maglalagi sa labas ng bahay. Kaya naman ang mga gustong maging fit at healthy, sa bahay na lang ginagawa ang kanilang ehersisyo gamit ang ilang improvised workout equipment.

Pero trending ngayon ang isang babae na ayaw magpaawat sa pagiging fit. Nakahanap kasi ng isang lugar kung saan gagawin ang kanyang ehersisyo na nagpakunot sa noo ng maraming netizens ngayon. Nag-jogging lang naman siya sa track ng Metro Rail Transit (MRT).

Larawan mula sa video ni Sam YG

In-upload ng TV host at social media influencer na si Sam Gogna o mas kilala bilang Sam YG ang video ng isang babae na ginawang jogging area ang track ng MRT sa bandang Shaw Boulevard. Chill na chill sa pag-eehersisyo ang babae sa ibabaw ng riles na animo’y inarkila ang buong MRT rail.

Nagtataka tuloy si Sam YG at ang mga netizens kung paanong nakapasok ang babae gayong magdadalawang linggo na ring tigil operasyon ang MRT dahil sa ipinatutupad na ECQ. Hindi rin daw nila alam kung bakit ito pinahintulutan.

“Eh kumusta naman ang pa-jogging ni ma’am sa MRT? Nakuha pang mag-cool down at stretching. #StayHome na sana,” sabi ni Sam YG sa kanyang post.

Mayroong hindi mapigilan ang inis sa babae na hindi marunong sumunod sa panawagang manatili na lang muna sa loob ng bahay dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng C0VID-19 sa buong bansa. Ang ilan naman ay idinaan na lang sa biro ang komento sa babaeng ginawang workout place ang MRT.

Larawan mula sa video ni Sam YG

Biro ng ilang nagkomento, ang ginawa raw ni ate ay literal na ‘TRAINing’ dahil sa train tracks siya nag-exercise.

Sabi naman ng iba, at least daw ay totoong social distancing ang ginawa niya dahil wala nga naman siyang makakasalamuha sa MRT tracks kahit mag-umpisa pa ito sa North Edsa hanggang Taft Avenue.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang pahayag ang pamunuan ng MRT patungkol sa pagkakakilanlan ng babaeng nagja-jogging at kung sino ang nagbigay ng pahintulot sa kanya.

Panoorin ang jogging ng misteryosong babae sa MRT track:

? eh kamusta naman ang pa-jogging ni maam sa MRT? Nakuha pang mag “cool down” at stretching ???#StayHome na sana????PS. Hello narin kay Coco ???

Posted by Sam Gogna on Wednesday, March 25, 2020

Loading…