
- Senator Pacquiao, paiimbestigahan ang pagkalat sa social media ng sulat sa kanya ng Barangay Dasmariñas
- Sumulat ang Barangay Dasmariñas matapos mapag-alamang dumalo si Sen Koko Pimentel sa political event na ginanap sa bahay ni Pacquiao
- Iginiit ng senador na bago pa man siya sulatan ng barangay ay nagsasagawa na ang pamilya niya ng self-quarantine at social distancing
Kumalat sa social media ang kopya ng sulat ng Barangay Dasmariñas kay Senator Manny Pacquaio na nagsasabing hindi na siya maaaring lumabas ng bahay dahil itinuturing na siyang isang “Person Under Monitoring” (PUM).

Ang sulat ng chairman ng Barangay Dasmariñas na si Rossana Hwang kay Senator Pacquiao ay kasunod ng kumalat na video ng PDP-Laban meeting na ginanap sa bahay ng “Pambansang Kamao” noong March 4, 2020 kung saan halos lahat ng members ng partido ay dumalo, kabilang si Sen. Koko Pimentel na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Senator Pacquiao, paiimbestigahan niya ang pag-leak ng sulat ng Barangay Dasmariñas para sa kanya. Sumulat din siya sa mga opisyal ng barangay.
“It has come to my attention that your letter has been subject of several news reports and malicious social media posts,” saad ni Pacquiao sa sulat niya para sa pamunuan ng Barangay Dasmariñas sa Makati City.
“In this regard, I wish to know how this private letter addressed to me went around social media with total disregard to my right to privacy. Meantime, I will refer this matter to the appropriate agency for proper investigation to avoid the same incident from happening,” saad pa ng senador sa liham.

Iginiit ng senador na bago pa man siya sulatan ng barangay ay nagsasagawa na ang pamilya niya ng self-quarantine at social distancing. Binigyang-diin din niya na negatibo siya sa COVID-19 matapos gumamit ng rapid test kit mula sa South Korea.
“Prior to your directive the members of my family and I have been observing proper social distancing and have once again placed ourselves on quarantine since March 24, Tuesday,” aniya.
Nilinaw rin niya na hindi “party” ang naganap sa bahay nila kundi isang political meeting.
