PAGCOR, sinuspinde ang casino at gaming operations habang umiiral ang community quarantine

  • Casino at iba pang gaming operations sa Metro Manila sinuspinde ng PAGCOR
  • Mananatili ang suspensyon habang umiiral ang community quarantine
  • Ang operasyon ng mga POGO ay magpapatuloy subalit may limitasyong ipatutupad

Sinuspinde ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang operasyon ng lahat ng mga casino at iba pang gaming operations sa buong Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Casino Filipino

Inanunsyo ng PAGCOR ang suspensyon sa mga gaming operations sa official Facebook page nito.

“In line with the instruction of President Rodrigo R. Duterte to put Metro Manila under community quarantine to prevent the further spread of the Novel Corona Virus Disease-2019 (COVID-19), the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) is suspending all gaming operations effective immediately,” bahagi ng PAGCOR statement.

Kabilang sa mga suspendidong operasyon ay ang mga land-based casino na pagmamay-ari’t pinatatakbo ng PAGCOR at ang mga lisensyadong resort-casino; eGames; bingo; sports betting; poket at slot machine clubs; at iba pang gaming activities na PAGCOR-regulated.

Ang suspensyon ay mananatili habang umiiral ang community quarantine.

Nilinaw ng ahensya na ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ay magpapatuloy subalit may limitasyong ipatutupad. Kauntiing workers lang ang papayagan sa workplace ng mga POGO.

Imahe mula sa Casino Filipino

Ang iba ay mananatili sa kanilang tirahan kung saan kailangan nilang gawin ang social distancing at quarantine protocols.

“As regards Philippine offshore gaming operations (POGO), only a minimum number of workers will be allowed in their workplaces. The rest of POGO workers will be restricted to their respective living quarters where they will observe social distancing and quarantine protocols,” ayon sa PAGCOR.

Sinabi pa ng ahensya na ang operasyon nito sa labas ng Metro Manila ay isususpinde rin sa oras na magdeklara ng community quarantine ang local government na nakasasakop dito.

Imahe mula sa Casino Filipino
Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…