Paghilom ng buong mundo, hiling ni Jessica Soho sa kaniyang kaarawan

Imahe mula sa Facebook | KMJS
  • Birthday wish ng award-winning journalist na si Jessica Soho na malagpasan ng buong mundo ang COVID-19 pandemic
  • Kabilang siya sa mga patuloy na ginagampanan ang tungkulin sa kabila ng umiiral ng ECQ sa buong Luzon
  • Sa katunayan, kamakailan lamang ay pinag-usapan siya dahil sa malamunay ngunit diretsang tanong niya sa COVID positive na si Sen. Koko Pimentel tungkol sa pagpunta nito sa 0spital kahit isa siya noong PUI

Para sa kaniyang kaarawan, hiling ng Kapuso anchor na si Jessica Soho ang paglipas ng nararanasang COVID-19 pandemic ng buong mundo.

Imahe mula sa Facebook | KMJS

“This, too, shall pass. We will all heal,” sabi ng award-winning journalist na si Soho.

Maraming naapektuhang buhay ang COVID-19 kabilang na iyong mga doktor na pumanaw at maging mga ordinaryong manggagawa na hindi muna makapaghanap-buhay dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sa kabila ng umiiral na ECQ sa buong Luzon upang mapigilan ang tuluyang pagtaas ng kas0 ng COVID sa bansa ay kabilang si Soho sa mga mamamahayag na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Sa katunayan, kamakailan lamang ay pinag-usapan siya at ang co-anchor na si Vicky Morales dahil sa pananatili ng professionalism habang kinakapanayam sa 24 Oras ang senador na si Koko Pimentel na sinamahan ang asawa sa 0spital kahit isa siyang Person Under Investigation.

Imahe mula sa GMA News

Habang nasa Makati Med ay napag-alaman niyang positibo siya sa COVID-19, kaya naman nai-expose niya ang ilang mga health worker sa virus.

“Mabigat po ang statement ng Makati Medical Center. You were ‘reckless’ daw at nabawasan pa tuloy yung kanilang mga tauhan. Naka-home quarantine pa po kayo, e, bakit pa ho kayo pumasok sa ospital? Kaya tuloy, e, nagkaroon pa ng problema sa kanilang 0spital,” malumanay na tanong ni Soho kay Pimentel.

“Jessica Soho roasted Koko Pimentel while being so calm. Fab and professional,” sabi ng Twitter user na si Ronan.

Happy birthday, Ms. Jessica Soho!

 

Loading…