Pagsaludo sa mga frontliners: ‘Fight song’ inawit para magbigay ng lakas ng loob sa mga health workers

  • Viral ngayon ang live video na ibinahagi ni Alexis Agacite Mago sa Facebook
  • Mapakikinggan kasi dito ang handog na awitin ng kanilang grupo upang magpalakas ng loob ng ilang health workers
  • Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagsaludo sa mga frontliners lalo na sa mga kababayang tumutulong na sugpuin ang C0VID-19

Sa ikalawang linggo ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon dulot ng COVID-19, hindi maiiwasan na marami sa mga frontliners ang nakararamdam na ng pagod at pangungulila sa kani-kanilang pamilya.

Imahe mula sa Facebook live video ni Alexis Agacite Mago

Sa live video na ibinahagi ng netizen na kinilalang si Alexis Agacite Mago sa Facebook noong March 27, mapapanood naman ang munting paraan ng kanilang grupo upang palakasin ang loob ng ilan sa mga kasamahan sa ospital.

Buong puso nilang kinanta ang makabuluhang awitin na “Fight Song” na sinulat ng American singer na si Rachel Platten.

Ayon kay Platten, naisipan niya noong isulat ang awitin bilang paalala niya sa sarili na huwag sumuko sa industriyang pinasok niya at sa pangarap niya.

“When I wrote ‘Fight Song,’ I was in a particular low point. I needed to remind myself to not give up, that I still believed in myself and that I still had fight left,” sabi ng singer, ayon na rin sa ulat ng ABC News.

“I didn’t intend to write [‘Fight Song’], you know, for the world to hear to be honest. I wrote it ’cause I needed it. And I wrote it ’cause I needed that reminder and I needed hope. And maybe there was this tiny place in my heart that I believed this could still happen. And the fact that it did is crazy,” dagdag niya.

Ang kantang iyon naman ang ginamit ng grupo nila Mago upang patatagin ang loob at magbigay ng mensahe sa mga kasamahang fronliners na siyang patuloy na naghahatid ng serbisyo upang labanan ang virus.

Posted by Alexis Agacite Mago on Friday, March 27, 2020

Marami ring netizens ang nagpahayag ng kanilang pagsaludo sa mga health workers na siyang nagsasakripisyo para magamot ang mga kababayang positibo at maaaring infected ng C0VID-19.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa higit 900,000 views ang video at mayroon na rin itong higit 68,000 reactions.

Isa lamang itong patunay na maraming sumasaludo at humahanga sa sakripisyo ng mga kababayan nating frontliners partikular na sa mga health workers. Mabuhay po kayo!

Loading…