Pagtatrabaho ng mga Pinoy nurse sa abroad, nais munang ipatigil ng mambabatas

  • Umapela ang isang kongresista sa DOLE tungkol sa posibleng pag-alis ng ilang Pilipinong nurse na nais magtrabaho sa ibang bansa
  • Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, dapat munang ihinto ang deployment ng mga Filipino health workers sa abroad lalo’t mas kailangan sila ngayon sa Pilipinas
  • Sinabi rin nito na dapat mabigyan ng karampatang sahod ang mga healthcare workers dahil sa kanilang sakripisyo para labanan ang C0VID-19

Ipinatitigil muna ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pag-deploy ng mga Filipino nurses sa ibang bansa upang mas matutukan ang lumalalang kas0 ng C0VID-19 sa Pilipinas.

Imahe mula sa Department of Foreign Affairs and Trade

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, umapela si Rodriguez kay Deparment of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na huwag munang paalisin ang mga Pilipinong nurse upang magtrabaho sa ibang bansa dahil mas kailangan sila ngayon sa Pilipinas.

“Secretary Bello should suspend the sending of nurses abroad,” pahayag ng mambabatas.

“We need our healthcare personnel here at this time of public health emergency to attend to sick Filipinos, and not to foreigners,” giit niya.

Sinabi nito ang kaniyang saloobin matapos malaman na magpapadala ang bansang Germany ng eroplano upang sunduin ang 75 intensive care unit nurses mula sa Pilipinas.

Nakatakda umanong alagaan ng mga ito ang ilang pasyenteng tinamaan ng C0VID-19 doon.

Ayon kay Rodriguez, abala na ngayon ang healthcare system sa bansa dahil sa pakikipaglaban sa coronavirus. Dagdag niya, pareho nang nagkakaroon ng kakulangan sa mga medical professionals sa mga pribado at pampbulikong ospital.

“We need those nurses bound for Germany and other jobs overseas to augment our dwindling public health workforce,” sabi nito.

Imahe mula sa Pixabay

Giit pa ng mambabatas, dapat umanong mabigyan ng sapat na sahod ang health workers dahil na rin sa klase ng trabaho na mayroon sila at sa kanilang sakripsiyo upang labanan ang C0VID-19.

“They should be properly compensated. They are our modern-day heroes,” ayon pa kay Rodriguez.

Loading…