Pamilya ng COVID-19 positive na si Sen. Sonny Angara, nakararanas umano ng diskriminasyon

Imahe mula sa Instagram | Tootsy Angara
  • Nakararanas ng diskriminasyon ang pamilya ni Sen. Sonny Angara na nagpositibo sa COVID-19
  • May mga kapitbahay umano silang nais silang paalisin at ayaw rin ng ilan na mag-deliver ng kanilang mga pangunahing pangangailangan sa kanilang tahanan
  • Sa kabila nito ay may mga kaanak at kaibigan na nagpapakita ng pagmamahal sa kanila kaya ipinagpapasalamat niya ang mga ito

Ibinahagi ng asawa ni Sen. Sonny Angara ang pinagdaraanang diskriminasyon dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 ng mambabatas.

Imahe mula sa Instagram | Tootsy Angara

Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni Tootsy Angara na nang lumabas ang balita tungkol dito ay may mga kapitbahay silang nais silang paalisin sa kanilang lugar.

“A neighbor wished to have us out of our neighborhood and I don’t blame them. To our other neighbors who showed us acts of kindness, thank you,” sabi ni Tootsy.

May mga tumanggi rin daw na mag-deliver ng mga pangunahing pangangailangan sa kanilang bahay kaya kinailangan niyang manghingi ng tulong. “Family and friends sent us drinking water when we ran out of it. They sent us oxygen too — the two most essential things in life, water and air,” kuwento niya.

Ang ilan naman daw ay pinadalhan sila ng mga prutas, gulay, medical supplies, vitamins, at cleaning aids.

Imahe mula sa Instagram | Tootsy Angara

Nagpasalamat din siya sa mga doktor na matiyagang sinasagot ang kaniyang mga tanong.  “I cannot thank you enough. I am forever grateful for all the beautiful and kind souls God blessed us with,” dagdag ni Tootsy.

Bukod sa diskriminasyon ay inamin din niyang may mga pagkakataong umiiyak siya dahil nami-miss niya ang asawa at wala siyang magawa para tulungan ito.

“It was sad I couldn’t give him a big tight hug to say it was going to be okay when he got his results. It pains me that I am not able to take care of him the way he took care of me when I was sick,” aniya.

Sa kabila nito ay pinipili niya raw na magpakatatag at panatilihin ang pananampalataya sa Diyos.

“I have faith God will help him get through this. When I feel sad or scared, I pray the rosary by myself or with other ladies on Zoom or listen to the online masses.”

Source :

Instagram

Loading…