Pampa-GV sa gitna ng duty: Mga sundalo sa checkpoint na sandaling nagsayaw, naghatid ng saya

  • Viral sa Facebook ang video ng mga sundalo na nagbigay ng good vibes sa gitna ng kanilang duty
  • Gumawa kasi ng short dance cover ang mga officers habang nagbabantay sa checkpoint
  • Maraming netizens naman ang humanga sa mahusay na pagsasayaw ng mga frontliners na ito

Marami ang sumasaludo ngayon sa ating mga frontliners na patuloy na nagseserbisyo para sa kaligtasan ng kanilang mga kababayan. Maliban sa mga pagamutan kung saan naroon ang mga health professionals at iba pang nagpapatuloy ng serbisyo, maituturing din na frontliners ang mga sundalo na bantay sa iba’t ibang checkpoint sa bansa.

Sa kabila ng kanilang hindi birong trabaho, ang mga magigiting nating sundalo ay hindi pa rin naaawat sa pagbibigay ng good vibes sa kanilang kapuwa. Maliban sa maayos na serbisyo sa checkpoints, nagkapagbigay ng ngiti ang mga sundalo sa pamamagitan ng kanilang short dance cover.

Larawan mula sa Facebook video ni Edwin Sulit

Trending sa Facebook ang video ng tatlong sundalong humataw sa maikling dance performance nila habang nagbabantay sa checkpoint. Marami ang humanga sa napakahusay na moves ng mga magigiting na officers na inaaliw ang kanilang sarili mula sa nakapapagod na duty sa lansangan.

Suot ang kanilang uniporme at bitbit pa ang kanilang mga armas, pinabilib ng tatlong sundalo ang mga nakapanood ng kanilang video dahil sa sabay-sabay ang mga ito. Ang kanilang mga kakosa naman sa paligid ay hindi napigilang mapapalakpak matapos ang kanilang short dance video.

Habang isinusulat ang istoryang ito, wala pang isang buong araw na naka-upload ang video ng mga sundalo na kuha naman ni Edwin Sulit. Ngunit kasi walang 24 oras sa Internet, mayroon nang higit 1.1 million views ang nasabing video. Kasama rin nito ang halos 60,000 reactions, 4,700 comments, at 67,000 shares.

Punong-puno naman ng papuri ang mga netizen sa ating magigiting na frontliners na hindi lang pala maaasahang mga opisyal kung hindi may ibubuga rin sa sayawan. Ayon sa kanila, saludo sila sa mga sundalo dahil nakahanap ang mga ito ng paraan upang aliwin ang mga sarili sa gitna ng kanilang duty.

Larawan mula sa Facebook video ni Edwin Sulit

Ayon naman sa ilan, nakamamangha na kahit hindi biro ang trabaho ng mga ito, ngayon ay nakapagbibigay pa rin sila ng ngiti at inspirasyon sa mga mamamayan na nasa kani-kanilang bahay dahil na nakasailalim ang buong bansa sa enhanced community quarantine.

“Galing talaga ng Pinoy! Magaling kasi kahit sa kabila ng sakuna, nakukuha pa ring maging masaya at magpasaya ng kapwa. Saludo kami sa inyo mga sir!” sabi ng isang netizen.

Panoorin ang nakaka-good vibes na sayaw ng mga sundalo sa checkpoint:

Loading…