Panawagan ng DILG: “Ilayo muna ang mga bata sa mall at iba pang matataong lugar”

  • Ipinagbabawal muna ang mga mag–aaral na magtungo sa mga malls, mga sinehan, pampublikong pamilihan, at iba pang matataong lugar upang masawata ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa pamayanan
  • Alinsunod ito sa DILG batay na rin sa pagsuspinde ni Pangulong Duterte sa mga klase sa buong Metro Manila mula Marso 10 hanggang Marso 14, 2020
  • Nakikiusap ang mga awtoridad sa mga magulang na bantayan at patnubayan ang kanilang mga anak at makiisa sa layuning ito upang hindi mawalan ng saysay ang suspensyon ng mga klase

Mahigpit na nananawagan ang mga opisyal ng Department of Interior and Local Government o DILG sa mga magulang na sundin ang layunin ng suspensyon ng mga klase sa kalakhang Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 o COVID–19 sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga anak na magtungo sa mall at iba pang matataong lugar upang maglakwatsa.

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpahayag ng suspensyon sa klase sa NCR noong Marso 10 hanggang 14, 2020 upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag–aaral. Panahon din ito upang makapag–disinfect ang mga lokal na pamahalaan o pamunuan ng mga paaralan.

Public Domain Image

Kaugnay nito, agad na inatasan ng DILG ang mga Metro Manila mayors, mga punong barangay, gayundin ang PNP na pauwiin ang mga mag–aaral na makikitang namamasyal sa malls, mga sinehan, pampublikong pamilihan, at iba pang matataong lugar upang masawata ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa pamayanan.

Isang araw matapos ang direktibang ito, marami pa ring mga kabataan ang namataaan ng mga awtoridad na gumagala–gala sa labas, partikular sa Maynila. Kaya naman, nakikiusap ang mga awtoridad sa mga magulang na bantayan at patnubayan ang kanilang mga anak at makiisa sa layuning ito upang hindi mawalan ng saysay ang suspensyon ng mga klase.

“Our police officers and the barangay officials will serve as truant officers to ensure that kids stay at home. I have also directed all our Metro Manila Mayors to personally direct their respective Chiefs of Police to implement the presidential directive so that Local Governments and the police will jointly implement this policy of the government,” he said.

Sinabi ni DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya na ang desisyon ng pangulo na isuspinde ang mga klase ng isang buong linggo ay alinsunod sa rekomendasyon ng DOH Expert Advisory Group to the President bilang preemptive social distancing measure.

Samantala, lalo itong pinaigting lalo pa’t idineklara ng World Health Organization o WHO na ang COVID–19 ay nasa kategorya na ng “pandemic” nitong Marso 12, 2020.

Public Domain Image

Loading…