Panawagan ni Pia Wurtzbach ukol sa community quarantine: “Wala munang pasaway, Pilipinas”

  • Makipagtulungan ang isa sa mga panawagan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kaniyang mga kababayan habang ipinatutupad ang community quarantine
  • Aminado si Pia na ang banta ng COVID-19 ay nakapagdudulot sa atin ng mga pangamba ngunit naniniwala siya na malalampasan natin ito
  • Isa rin si Pia sa mga nananawagan sa taumbayan na huwag mamili nang sobra-sobrang suplay na magiging sanhi upang mawalan ang iba

Sa kabila ng mga negatibong pag-atake sa mga hakbang at solusyon na ginagawa ng ating gobyerno ukol sa COVID-19, may mga taong nagnanais na magpakapositibo at nananawagan na mas lawakan pa ang pang-unawa at kooperasyon.

Imahe mula sa Pixabay

Isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga naniniwala na malalampasan natin ang mga banta na dulot ng COVID-19.

“No matter how hard it is or how hard things are going to get, we will get through this. Can’t help but reflect on these trying times, and yes, madaling magpadala sa anxiety at dami ng news (fake or real),” pambungad ni Pia sa isang Instagram post nito.

Aminado rin si Pia na ang mga pagsubok na ito sa ating buhay ay nakapagdudulot ng mga pangamba at alalahanin. Gayunman, naniniwala siya na ang ating kooperasyon ang pinakamahalaga nating magagawa sa panahon ng community quarantine.

“But I think, what matters most is that we respect this time of community quarantine and cooperate,” dagdag pa ni Pia.

Nanawagan din si Pia na ito rin ang panahon para magtulungan ang lahat. Bawat isa sa atin ay may gampanin para hindi na lumala pa ang sitwasyon.

Pinaalala rin ni Pia na huwag mamili ng mga supplies nang sobra-sobra na nagiging sanhi upang maubusan ang iba.

Imahe mula sa Facebook page ni Pia Wurtzbach

“Magtulungan tayo. Let’s do our part and practice healthy habits. Let’s be considerate of others (no hoarding guys—there’s enough for everybody), and remain calm. Sumunod tayong lahat. Wala munang pasaway, Pilipinas. Take care of yourselves and your families!” dagdag pa ni Pia.

Sa mga susunod umanong pag-post ni Pia, magbabahagi rin siya ng mga tips para mapanatiling malusog ang ating katawan.

Source :

Instagram

Loading…