Pang. Duterte hihingi ng tulong sa China kapag lumala ang sitwasyon ng COVID-19

  • Hihingi ng tulong si Pangulong Duterte sa China kapag lumala ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa
  • Sinabi ng Pangulo na sinulatan siya ni Chinese President Xi Jinping na nagsabing handa ang China na tumulong sa Pilipinas sa paglaban sa COVID-19
  • Sa kasalukuyan ay may 52 COVID-19 cases na sa Pilipinas

Hihingi ng tulong sa China si Pangulong Rodrigo Duterte kapag lumala ang coronavirus situation sa bansa. Ito ang isa sa mga sinabi niya sa kanyang public address tungkol sa COVID-19 noong Huwebes, ika-12 ng Marso.

Imahe mula sa PCOO

Sabi ng Pangulo, nakatanggap siya ng isang liham mula kay Chinese President Xi Jinpping na nagsasabing handa ang China na magbigay ng ayuda sa PIlipinas sa paglaban nito sa COVID-19.

“President Xi Jinping, for all his goodness to us, wrote me a letter and he is willing to help. All we have to do is to ask. Ako ang tingin ko, maybe there will be a time, if things deteriorate, that I have to call on China to help,” anang Pangulo.

“To the Chinese government, to the people, especially to President Xi Jinping, thank you for the consoling words and maybe, I hope that it would not reach to that point but maybe we will need your help,” dagdag pa niya.

Sinabi raw sa kanya ni Xi Jinping na maayos nang natutugunan ng China ang COVID-19 outbreak doon.

Sa kabila nito ay nananatili ang China na pinakamalubahang naapektuhan ng COVID-19.

Sa ngayon ay nakapagtala na ang National Health Commission of China ng 80,793 mamamayan na infected ng virus simula pa noong December 2019 noong unang kumalat ang virus sa Wuhan City. Umabot na sa 62,793 ang naka-rekober mula dito at 3,169 ang nasawi.

Imahe mula sa The Star Online

Samantala, nakapagtala na ng 52 COVID-cases ang Department of Health. Ang pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 positive patients sa bansa ang nagbunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim na sa community quarantine ang buong Metro Manila simula sa March 15, 2020.

Loading…