Pantanggal–inip! Babae ibinahagi ang kaniyang home–made “milk quaranTEA”

  • Ibinahagi ng isang netizen ang mga hakbang sa paggawa ng home–made “milk quaranTEA”
  • Ginawa niya ito sa labis na pagkabagot at pagnanais na makainom nito habang nasa home quarantine
  • May halo ring “hugot” ang mga hakbang na kaniyang ibinigay sa paggawa nito

Sa panahon ng enhanced community quarantine na ipinatutupad sa buong Luzon, marami sa mga nakasanayang gawin, puntahan, kainin, at inumin ng mga tao ang pansamantalang nawala bilang pagsunod na rin sa direktiba ng pamahalaaan. Isa na riyan ang pag–inom ng “milk tea” na kasalukuyang patok na patok sa mga Pilipino.

Kaya naman, ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Raysalyn De Leon” ang mga hakbang sa paggawa niya ng home–made milk tea, na tinawag niyang “Milk QuaranTEA” dahil ginawa niya ito sa labis na pagkabagot at pagnanais na makainom nito, habang nasa home quarantine, ayon sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Raysalyn De Leon

Ayon sa caption ng mga larawan, “Share ko lang kung paano gawin yung home–made Milk QuaranTEA ko dahil gustong–gusto ko na talaga uminom ng milk tea pero walang mabilhan, nag–experiment na lang ako hahahaha. Kindly see every pictures for procedures. DON’T FORGET TO SHARE din sa iba.”

Sa bawat larawan, ipinaliwanag ng netizen kung ano–ang mga hakbang na gagawin upang magawa ang home–made milk quaranTEA, na may kasama pang mga “hugot”. Inisa–isa niya muna ang mga sangkap tulad ng all purpose–cream, condensed milk, tapioca pearls (na maaari umanong nata de coco if walang pearls), at isang brand ng tea (Lipton). Optional din ang paglalagay ng flavor.

Para sa Step 1, magpakulo umano ng tubig, depende sa kung gaano karaming pearls ang lulutuin. Saka ilagay ang tapioca pearls at pakuluan ulit sa loob ng 20 minuto. Tiyaking mapalambot at mapalapot ito. Itapon ang kaunting sabaw kung may sabaw pa.

Para naman sa step 2, kailangang linisin ang pinaglutuan ng tapioca pearls, at kung mayaman daw, maaaring gumamit ng ibang kaserola. Magpakulo ng isang basong tubig, saka ilagay ang tea. Dagdag pa niya, “Kailangan matapang yung tea. Kasing tapang mo. Tapos pakuluan mo ulit kasama yung tea.”

Imahe mula sa Facebook account ni Raysalyn De Leon

Para naman sa Step 3, habang nagpapakulo raw ng tubig at tea, paghaluin ang cream at condensed milk.

“Depende sa sugar level mo yung condensed kung gusto mong matamis, damihan mo yung condensed. (Huwag sobrang tamis baka maumay kayo sa isa’t isa),” ayon sa kaniya.

Dagdag pa niya, “Saka mo ilagay yung flavor (taro flavor ang prefer ko, pwede rin coffee or chocolate bahala ka). Optional lang ito kung maarte kang tulad ko.”

Para sa Step 4, ibuhos ang ginawang mixtures sa kumukulong tea na nauna nang ginawa. Haluin ang mga ito upang mapalapot ang cream. Dapat kaunti lamang. Sa huling hakbang o step 5, maglagay ng pearls sa baso, tapos ilagay ang ginawa sa step 4, at lagyan ng maraming yelo.

Dagdag pa niya, “Note: Yung yelo ang magiging pinakatubig ng milk tea ninyo. Then kung mayaman kayo, pwede ninyo rin lagyan ng whipped cream. Arat na gawa na ng milk tea! Don’t forget to share!”

May instant home–made Milk QuaranTEA ka na! Madali lang, hindi ba? Walang masama kung susubukin!

Loading…