Paolo Duterte, nag-sorry sa ‘di pagsunod ng anak sa protocol ng isang supermarket sa Davao

Imahe mula sa Facebook | Omar Duterte at Congress
  • Nag-sorry si House Deputy Speaker Paolo Duterte sa hindi pagpila ng anak niyang si Omar Duterte sa isang supermarket; dahilan upang malagpasan ang safety protocol nito
  • Paliwanag naman ni Omar, pinapasok na sila ng staff ng supermarket dahil nakasuot naman sila ng gloves
  • Humingi rin siya ng paumanhin dahil dapat daw ay sumunod siya sa mga inilatag na protocol

Humingi ng paumanhin si House Deputy Speaker Paolo Duterte sa paglabag ng anak na si Omar Duterte sa safety precaution na ipinatutupad ng isang supermarket sa Davao kontra COVID-19.

Imahe mula sa Instagram | Paolo Duterte / Philippine Star

“It has come to my attention that my son, Omar Duterte, went to SnR Davao and he did not line up and thus, was not subjected to stringent screening requirements of the establishment,” sabi ng presidential son sa kaniyang pahayag.

“It is with humility that I apologize for the behavior of Omar and his impertinence shall be dealt with accordingly.”

Iimbestigahan din daw ng Presidential Security Group ang security team na kasama ni Omar.

“This incident is unfortunate, given the health emergency that we are facing these days, when most of us are preoccupied with efforts to protect every Dabawenyo, especially our frontliners and government responders and volunteers,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Paolo Duterte Supporters

Samantala, humingi na rin si Omar ng paumnahin at ipinaliwanag na nakapag-sanitize na sila ng kamay at nakasuot na ng gloves nang dumating sa SnR kaya pinapasok na sila ng staff sa loob.

“It seems that some people took the protocols to the letter that even latex gloves aren’t enough to prevent the virus from infecting our hands within those gloves,” sabi ni Omar sa isang Facebook post.

Ngunit ngayon daw ay alam na niya na “protocols are protocols and no one is above them. Even though they insisted on me going through without me washing my hands, I should have insisted in washing them instead.”

Maging ang kaniyang mga binili ay ipinaliwanag din ng presidential grandson. Aniya, plano niyang magluto at bumili ng wine upang ipagdiwang ang wedding anniversary nila ng kaniyang misis.

“People seemed to have an issue with the things I bought. I admit it was rather insensitive of me to buy food (shrimp, cajun spice, lemons, white vinegar) to cook at home and some drinks (some bottles and a six pack of beer) to celebrate the 1 year anniversary of our wedding with my wife,” aniya.

Napagtanto niya raw na mali ito at kung nalaman lamang daw niyang “luxury” itong itinuturing ay natulog na lang daw sana siya. “For all this I am sorry,” aniya.

Loading…