Pastor sinurpresa ang lolo’t lola na may halong biro upang maging memorable ang muling pagkikita

  • Dinalaw at sinurpresa ng isang pastor ang kanyang lolo at lola sa Bukidnon na matagal nang hindi nabibisita
  • Hinaluan niya ng kaunting biro ang surpresa upang maging memorable ang reunion
  • Bakas sa mukha ng dalawang matanda ang labis na kaligayahan sa muli nilang pagkikita

Napakasaya at hindi malilimutang reunion ang naganap sa isang 29-anyos na pastor at kanyang lolo at lola sa Bukidnon. Hindi matatawaran ang ligayang ibinigay ng apo sa dalawang matatanda sa muli nilang pagkikita; batay sa naging reaksyon ng mga ito nang makilala ang apo.

Screenshot mula sa video ni Ritchie Pitogo Remulta

Ibinahagi ni Ritchie Pitogo Remulta, isang pastor mula sa General Santos City, sa social media ang video ng nasabing reunion. Aniya, nagtungo siya sa bahay ng lolo at lola niyang sina Pilo at Poping Pitogo, kapwa 82 anyos, upang tulungan silang magtayo ng isang sari-sari store at kumpunihin ang bahay ng mga ito.

Bago magtungo sa Bukidnon, pinlano na ni Pastor Ritchie ang gagawin. Gusto raw niyang maging memorable ang muli nilang pagkikita kaya hinaluan niya ng kaunting pagbibiro ang surpresang reunion.

Aniya, ang tanging nasa isip niya ay surpresahin sila sa kakaibang paraan at naging matagumpay naman ang plano niya. Masaya raw siyang makita ang lolo at lola na napaluha sa kaligayahan.

Ipinakita sa video kung paanong nagpanggap ang pastor bilang tindero ng daing. Suot pa niya ang kanyang motorcycle helmet kaya hindi siya nakilala ng dalawang matanda.

Screenshot mula sa video ni Ritchie Pitogo Remulta

Sa una ay tila namahalan si lolo Pitong sa presyong P100 kaya tinanong ni Pastor Ritchie kung magkano ang tawad nito. Singkwenta pesos ang tawad ng lolo, pero laking gulat nito nang sabihin ng ‘di pa nakikilalang apo na ibibigay na lang niya nang libre ang daing.

Sa puntong iyon nagpakilala ang pastor.

“Sa inyo na lang kasi apo n’yo ako,” ani Pastor Ritchie sa lolo at lolang nasurpresa.

Screenshot mula sa video ni Ritchie Pitogo Remulta

Bakas sa mga mukha ni Lolo Pitong at Lola Poping ang kaligayahan na muling makita at mayakap ang apo.

Panoorin ang viral video ng masayang reunion:

Hapit ko Masumbagan sa akong mga Apohan.???Priceless Joy and Laughter, as I Surprised them, na may halong PRANK!. ????

Posted by Richie Pitogo Remulta on Wednesday, February 19, 2020

 

 

Loading…