Pati mga astig: PBA player James Yap at Idol ng Bayan Raffy Tulfo, pinasaya ang netizens sa kanilang TikTok videos

  • Laganap na talaga ang paggamit ng TikTok application sa buong bansa
  • Kabilang nga sa mga naaaliw dito ay sina PBA star James Yap at idol ng bayan Raffy Tulfo
  • Viral na ngayon sa social media ang kani-kanilang TikTok videos

Hindi maitatanggi na isa sa mga pinakapaboritong mobile application ng mga Pilipino ay ang TikTok. Maraming kabataan, at feeling bata ang kumakasa sa iba’t ibang dance challenges at usong i-cover na video sa nasabing mobile app na talaga namang viral sa social media.

Pero dalawa sa mga pangalang gumagawa ng ingay ngayon sa Facebook at Instagram ay ang mga astiging personalidad na hindi mo aakalaing ilalabas ang kulit nila sa pagti-TikTok. Certified TikToker na rin ang PBA superstar na si James Yap at maging ang idol at sumbungan ng bayan na si Raffy Tulfo.

Larawan mula sa TikTok video ni James Yap

Ipinamamalas ng dalawa ngayon sa social media ang kanilang funny side sa pag-a-upload ng kani-kanilang TikTok videos na agad namang nagva-viral online. Noong nakaraang linggo pa gumawa ang Rain or Shine player na si James.

Matiyaga si James na mag-upload ng kanyang TikTok covers sa kanyang Instagram account. Isa sa mga unang videos ng dating PBA MVP ay ang isang dance cover kasama ang mga teammates sa Elasto Painters. Nasa training sila noon at sa kanilang break, napagpasiyahan ng mga basketbolista na sumayaw muna at mag-TikTok.

Pinatunayan din ni James na hindi lamang siya sa hardcourt dapat tawaging ‘man with a million moves’ kung hindi pati na rin sa pagsasayaw. Mayroon din kasi siyang solo dance cover ng sikat na TikTok dance ngayon na Relationship na umaani na ngayon ng libo-libong views online.

Game na game din si Raffy Tulfo, hindi sa pagdinig ng mga sumbong, kung hindi sa paggawa ng kanyang unang opisyal na TikTok video. Ibinahagi ng official Facebook page niyang  Raffy Tulfo in Action ang invite para i-follow ang idol ng bayan.

Kalakip nito ay ang ‘yayamaning’ TikTok video ni Raffy na sumasayaw sa saliw ng Versace on the Floor ni Bruno Mars, suot ang kanyang mamahaling sapatos, belt, kuwintas, at shades. Bagets na bagets si Raffy sa kanyang video na nagbigay ng ngiti sa mga viewers.

Habang isinusulat ang istoryang ito, wala pang isang araw na naka-upload ang video ni idol pero mayroon na itong higit 1.3 million views kasama ang 172,000 reactions, 14,000 comments, at 17,000 shares.

Panoorin ang TikTok videos nina James at Idol Raffy:

TikTok PA MORE, MGA IDOL! Please follow me on TikTok.TikTok ID: raffytulfoinaction Or click: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialTikTok#raffytulfoinactionTikTok: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialTikTokYoutube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutubeFacebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebookInstagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagramWebsite: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

Posted by Raffy Tulfo in Action on Wednesday, March 11, 2020

Source :

YouTube, Facebook

Loading…