Patient 20, nagpasalamat sa health workers matapos na gumaling

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube
  • Nagpaabot ng pasasalamat si PH20 sa mga frontliner na tumulong upang maka-recover siya mula sa COVID-19
  • Malaking tulong din daw ang panalangin at suporta mula sa kaniyang mga kaanak at kaibigan
  • Paalala naman ni Imus Mayor Emmanuel Maliksi, huwag nang lumabas ng bahay hangga’t maaari upang makatulong sa frontliners

Malaki ang pasasalamat ni PH20 sa mga health workers  sa RITM na nag-asikaso sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang maka-recover mula sa COVID-19.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Sa isang interview sa GMA News, sinabi niya na naging malaking tulong para sa kaniya ang panalangin at suporta mula sa mga mahal sa buhay at maging sa frontliners.

“Saludo ako sa inyo. Alam kong napakahirap lalo na sa family niyo pero ginagampanan niyo pa rin ang tungkulin niyo, which is nagpapasalamat ako lalo na ‘yong talagang mga nasa 0spital, ‘yong mga doctor at nurse,” sabi niya sa isang interview.

Sa tala mula sa Department of Health, nakalagay na si PH20 ay isang 48 anyos mula sa Cavite na may travel history sa Japan. Pebrero 29 daw nang makaranas ito ng sintomas na panghihina at pag-ubo. March 7 siya na-admit at March 9 lumabas ang kumpirmasyon na positibo siya sa COVID-19.

Imahe mula sa Pixabay

Samantala, paalala ni Imus Mayor Emmanuel Maliksi sa mga nasasakupan, makipagtulungan sa mga frontliner sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng kanilang tahanan nang sa gayon ay hindi na kumalat pa ang virus.

“Sana matulungan natin ‘yong ating mga frontliners na kung puwede talagang hindi na tayong lumalabas pa sa ating pamamahay. Pag sila ay lumalabas, nakikihalubilo pa at wala namang pangunahaning dahilan sa paglabas nila ay baka hindi lamang sila mahawahan, baka makapanghawa pa sila at lalo pang dumami yung mga positibo,” aniya.

Isinailalim na sa extreme enhanced community quarantine ang buong Imus matapos na makumpirma ang ikatlong kas0 ng COVID sa lungsod.

“The city will be more strict in guarding checkpoints, implementing curfew hours, and letting people leave their homes using the home quarantine pass,” sabi ni Maliksi.

Source :

YouTube, Facebook

Loading…