“Patsambang” chicken recipe ng isang netizen kinatuwaan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang ibinahaging “patsambang” chicken recipe
  • Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng mga larawan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Sadyang mahilig kumain ang mga Pilipino. Sa labis na pagkahilig sa pagkain, marami ang nag-iimbento ng iba’t ibang recipe, na tinatawag ng nakararami bilang “patsam” o “patsamba” lamang. May mga nagtatagumpay, habang may ilan ding nasasayang ang pag–eeksperimento. “Epic fail” kumbaga.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang ibinahaging chicken recipe ng isang Facebook user na nagngangalang “Alexander” sa kaniyang patsambang chicken recipe.

Ayon sa kaniyang Facebook post, ipinakita niya sa pamamagitan ng mga larawan ang kaniyang “masterpiece”.

Imahe mula sa Facebook account ni Alejandro Navarro III

Step 1, bumili umano siya ng chicken sa isang fast food chain na nagmula sa ibang bansa, subalit sikat na sikat dito sa Pilipinas. Step 2, nagsaing siya ng bigas sa rice cooker. Step 3, inilagay niya sa sinaing ang chicken stock na gawa sa France. Step 4, hinaluan rin niya ito ng isang kutsaritang soy sauce na nagmula pa sa bansang Japan.

Step 5, inilagay niya sa sinaing na may halong chicken stock at soy sauce ang biniling fried chicken. Step 6, binuksan na niya ang rice cooker at niluto ito. Step 7, sa pagkakaluto ng fried chicken at sinaing ay hinango niya ito sa loob ng rice cooker. Step 8, hinimay–himay niya ang fried chicken at inihalo sa kanin. Presto—may pagkain na!

Ang nakatutuwa rito, sa halip na ihain ito sa tao, sa aso pala niya ito ipakakain.

Imahe mula sa Facebook account ni Alejandro Navarro III

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Akala ko pa naman, naiibang recipe for chicken. Ang sosyal naman ng aso! Mamahalin ang food, at talagang mahal ang mga rekado!”

“Ang funny nito hahaha. Good vibes ang hatid. At least, mahal na mahal niya ang aso niya’t nag–effort pa siyang magluto para sa pet niya,” papuri naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Okay na sana eh. Convinced na ako. Pagkain lang pala ng aso hahaha.”

Handa ka bang gayahin ang patsambang chicken recipe ni Kuya?

Loading…