PBB, naglunsad ng Stay At Home Edition

Imahe mula sa Facebook | PBB
  • Pangarap mo rin bang maging housemate sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house?
  • Maaari mo nang matupad ang pangarap mong ito dahil naglunsad ang reality show ng PBB Stay At Home Edition
  • Araw-araw ay may ibibigay na task si Kuya at pipili siya ng hihiranging ‘Stay At Homemate of the Day’

Isa ka ba sa mga nangangarap na maging housemate ni Kuya? Abot kamay na ang pangarap mong ito kahit pa umiiral ang enhanced community quarantine. Inilunsad kasi ng reality show ang Pinoy Big Brother Stay At Home Edition.

Imahe mula sa Facebook | PBB

Araw-araw ay may ibibigay na task si Big Brother sa pamamagitan ng kanilang Facebook page. Kailangan lamang i-comment sa kanilang Facebook page ang video ng nasabing task. Mula sa mga nag-comment ay pipili si Kuya ng hihiranging “Stay At Homemate of the Day.”

Paliwanag nila, katuwaan lamang ito upang gumaan ang damdamin ng mga netizen habang sumasailalim sa quarantine kaya naman wala raw itong karampatang premyo.

“Ito ay ginawa ko upang inyong maramdaman na kahit tayo ay magkakahiwalay, tayong lahat ay sama-sama sa aking Online Bahay. Dahil kapag nanatili tayo sa ating mga bahay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, ang magiging Big Winner ay ang taumbayan,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | PBB

Ang unang task na ibinigay ni Kuya ay ang pag-video sa sarili habang sinasabing “Ako ay isang Stay At Homemate, at mananatili ako sa aking bahay.” Maaaring gumamit ng props, art, materials, at costume habang sinasabi ito.

“Simulan natin ang PBB Stay At Home Edition sa isang pangako. Dahil sa pagsunod mo rito, makatutulong ka na sa ating bayan,” sabi ni Big Brother.

Nagkaroon din ng Online Confession Room kung saan tinanong ni Big Brother kung sino ang miss na ng kanilang housemates ngayong quarantine. Sa tulong ng mga dating housemates ay nagpapaalala rin si Big Brother kung paano mananatiling malusog at handa sa panahon ng COVID-19.

Kaabang-abang ang mga susunod na tasks na ibibigay ni Kuya!

Source :

Facebook

Loading…