PC unit ng mga empleyado sa isang kompanya, ipinauwi para sa work from home setup

  • Marami ang napa-sana all sa ibinahaging post ng isang empleyado na pinayagan ng kanilang kompanya na mag-work from home sa gitna ng COVID-19
  • Bukod dito, ipinauwi rin muna sa kanila ang kanilang computer unit at inihatid pa sa kani-kaniyang bahay
  • Kasalukuyang nakasailalim sa community quarantine ang buong Luzon

Maraming mga manggagawa ang nangangamba para sa kanilang kalusugan dahil ang ilan ay kinakailangan pa ring pumasok sa kanilang opisina sa gitna ng community quarantine na ipinatutupad ngayon sa buong Luzon.

 

Ngunit ang netizen na si Vilicent Sangilan, abot abot ang pasasalamat sa kaniyang kompanya dahil pinayagan na silang mag-work from home.

“Okay, pumayag na yung company namin na mag-work from home kaming lahat. Ang best pa doon, pinauwi na rin sa amin pati mga unit namin,” sabi niya sa kaniyang post na sa kasalukuyan ay may 5.7k reactions at 12k shares na. “Dahil work from home na, sana lang hindi ako ma-late ng gising.”

Sa comment box, ibinahagi niyang sinagot na rin ng kanilang kompanya ang transportation pauwi sa kaniya-kaniyang bahay.

Marami ang napa-sana all sa hakbang na ito na ginawa ng kompanya ng uploader. Hiling nila na sana raw ay payagan din sila ng kanilang mga employer na gawin ito nang sa gayon ay mabawasan ang panganib na mahawaan sila ng COVID-19 sa araw-araw nilang biyahe.

Biro ng isang empleyado, “paano kaming mga nasa factory? Iuuwi namin ang isang buong machine? Ay, hindi yata magandang plano ito.”

Matatandaang una nang pinagbawalan napumasok sa National Capital Region ang mga taga ibang rehiyon, maliban na lamang sa mga empleyado at ilan pang mahahalagang sektor. Ngunit ang community quarantine ay sakop na ang buong Luzon.

Upang masunod ang social distance na inirerekomenda para hindi na tuluyang dumami ang kas0 ng COVID-19 sa Pilipinas ay iminungkahi rin ng gobyerno sa mga pribadong kompanya na i-adjust ang work schedule at payagan ang mga empleyado na gamitin ang kanilang mga leave.

Source :

Facebook

Loading…