Philippine Red Cross, bumili ng C0VID-19 testing machine na kayang magsagawa ng 3,000 tests araw-araw

  • Mayroon na raw nabiling dalawang C0VID-19 testing machines ang Philippine Red Cross
  • Nasa 3,000 tests daw ang kaya nitong gawin sa isang araw at tatlong oras lamang ay may resulta na
  • Darating daw ang machines ngayong linggo at magagamit na sa mga susunod na araw

Panawagan ng maraming Pilipino ngayon ang isulong ng pamahalaan ang mass testing para sa C0VID-19. Gayunman, dahil sa limitadong kapasidad ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng tests, piling-pili lamang ang nabibigyan nito at iniaayon nila sa kalagayan ng pasyente.

Dahil dito, ilang institusyon ang tumugon sa kakulangang ito. Isa na rito ay ang Philippine Red Cross (PRC) na inanusyong bumili sila ng dalawang C0VID-19 testing machines na kayang magsagawa ng tests na aabot sa 3,000 araw-araw.

Larawan mula sa PNA

Sa isang pahayag ni PRC chairman at Senador Richard Gordon para sa Dobol B sa News TV, nakabili na raw ang ahensiya ng dalawang machines na bawat isa ay kayang magsagawa ng 1,500 test kada araw. Napag-aralan na rin daw nila kung paano magiging epekto ang kanilang gagawing testing gayong dalawa lamang ang machine.

“Ang Red Cross, bumili ng machines na makakapag-test ng 3,000 a day, 1,500 per machine,” pahayag ni Gordon.

“Either pupunta yung mga med-tech sa mismong lugar na pinakamraming may C0VID-19 cases at magte-test doon. Tapos ang test noon nakalagay na sa bote iyan. Dadalhin sa Red Cross (office) para madaling malaman,” pagpapatuloy ni Gordon.

Ayon pa kay Gordon, advanced raw ang mga machine na ito dahil tatagal lamang ng tatlong oras ang hihintayin para lumabas ang resulta kaya naman mas mabilis na malalaman ng mga kababayan natin kung positibo sila sa nasabing karamdaman.

Larawan mula sa PNA

Sa Linggo, Marso 27 na raw inaasahang darating ang dalawang machine na binili ng PRC. Magiging operational na rin umano ang nasabing testing machines sa susunod na linggo mismo. Kaugnay nito, maraming medical technicians na rin umano ang hinahasa ng DOH para kumuha ng test samples.

Maliban sa dalawang testing machines, nakapagbigay na rin ang PRC ng halos 200,000 surgical masks para sa mga frontliners sa buong NCR.

Loading…