Pia Wurtzbach, nagsimula ng fundraising upang makabili ng 25k face masks para sa frontliners

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach
  • Nagsimula ng fundraising si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach upang makapagbigay ng 25k piraso ng face masks para sa frontliners sa Metro Manila
  • Nakapag donate na siya ng 5,000 piraso ng face masks ngunit naisip niyang kulang pa ito kaya naman humihingi siya ng tulong upang makapagbigay ng mas marami
  • Malaki ang kaniyang pasasalamat para sa mga frontliner na inilalagay sa alanganin ang kanilang kalusugan sa ngalan ng kanilan tungkulin

Sa ikalawang linggo ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon ay nagsimula ng online fundraising si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach upang mabigyan ng face masks ang mga frontliner na lumalaban sa COVID-19.

Imahe mula sa Go Get Funding

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Pia na malaki ang kaniyang pasasalamat sa mga healthcare workers na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin kahit pa nangangahulugan itong maaaring malagay sa alanganin ang kanilang kalusugan.

Habang nananatili raw si Pia sa loob ng bahay ay napaisip siya kung ano ang maaari niyang gawin upang makatulong. Naisip niyang maghanap ng supplier ng face masks, na isa sa mga pinakakailangan ngayon ng mga frontliner.

Nang makahanap ay nag-order siya ng 5,000 piraso na kaniyang ibinigay sa mga healthcare workers.

“I received them the next day. It made me realize, kung gusto mo talaga, may paraan. And then I thought, what if I had more? What if we could give more? Kulang pa ito. And this is where I need your help, guys,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach

Sa tulong ng mga kaibigan ay nagsimula si Pia ng fundraising upang makapagbigay ng 25,000 piraso ng face masks para sa mga frontliner sa iba’t ibang 0spital sa Metro Manila.

“I know this may not sound like a lot, but it’s a start,” dagdag niya. So I am humbly asking for your help. Tulungan niyo po kami para matulungan pa po namin sila. If you can, please donate.”

Sa kasalukuyan ay nakalikom na si Pia ng mahigit P81,000.  Maaaring pumunta sa link na ito ang mga nais mag-donate: https://gogetfunding.com/medical-face-masks-for-frontliners-in-metro-manila/

Source :

Instagram

Loading…