Pinay OFW laging kasama sa paggawa ng TikTok video ang mabait at kwelang employer

  • Pinay OFW at employer palaging magkasamang nagti-TikTok
  • Makikita ang mag-amo sa ilang TikTok video na masayang nagsasayaw at nagkukulitan
  • Napa-sana all ang mga netizens dahil pambihira raw ang mabait na employer

Homesickness ang kadalasang kalaban ng mga overseas Filipino workers (OFW) dahil bukod sa malayo na sa mga mahal sa buhay, kalimitan ay natatapat pa sa mga employer na hindi ma-ispeling ang ugali. Pero ang OFW na kilala lang sa Facebook username na “Ta Ta” ay mabibilang sa mga Pinoy workers sa ibang bansa na masasabing masuwerte dahil mayroon siyang mabait na amo.

Screenshot mula sa video ni Shery Rose

Sa isang video na ipinost ng netizen na si Shery Rose, makikita si “Ta Ta” na nagti-TikTok kasama ang kwela niyang amo. Sa kakulitan ng mag-amo sa TikTok video ay parang magkabarkada lang ang dalawa.

“Sana all ganito ang employer. Sigurado hindi ka ma-homesick neto, parang barkada mo lang amo mo. Mahirap na makahanap ng ganitong amo,” post si Shery Rose.

“Kapagka ako nagka-amo ng ganito, hindi na ako aalis, ‘di na ako mag-aasawa. Charot lang,” pabirong sabi pa ng netizen.

Sa naturang video kung saan pinagsama-sama ang ilang TikTok videos na in-upload ni @tatzkie_17, na walang-iba kundi ang OFW na si Ta Ta, makikitang magkasamang sabay na nagsasayaw ang dalawa.

Nakaaaliw din ang  tagpo na habang nagsasayaw ng “Tala” si Ta Ta at makikitang lumabas ng kwarto ang amo na karga ang anak at bigla na lang itong nakisayaw.

Sa sarili niyang Facebook account ay marami pang TikTok video nilang mag-amo an gibinahagi ni Ta Ta na labis namang ikinatuwa ng mga netizens na nagsabing maswerte siya na nakatagpo ng napakabait na amo.

Screenshot mula sa video ni Shery Rose

“Cute. Sana lahat ng amo ganyan para masaya din mga helper.”

“Ang cute sana lahat ng amo ganiyan ka cool at kabait ‘yung marunong makipag sabayan sa katulong.”

“Bait naman ni madam sa kasambahay niya sana lahat ganito amo ehh no…para happy happy lang lahat ‘di ba.”

“Galing naman. Hindi ka talaga maho-homesick kapag ganyang kasundo mo amo mo maging sa kalokohan man o kasiyahan mo.”

Bibihira raw talaga ang among katulad ng employer ni Ta Ta kaya naman ang nagkakaisang sabi ng mga netizens ay “sana all.”

Iclick ang imahe para sa video:

Iclick ang imahe para sa video ni Shery Rose
Source :

Facebook

Loading…