Pinoy nurse assistant sa California hinuli dahil sa pananamantala sa pasyente

  • Isang Pinoy nurse assistant sa California ang dinakip ng pulisya
  • Nahaharap ang suspek sa kasong panghihipo sa maselang bahagi ng katawan nang walang pahintulot at elder abuse
  • Itinakda ng awtoridad ang $30,000 na piyansa para sa suspek

Isang Filipino nurse assistant sa isang nursing home sa Monterey, California ang dinakip dahil sa alegasyon ng panghihipo at elder abuse sa isang babaeng pasyente.

Screenshotmula sa video ng KSBW

Kinilala ng Monterey P0lice Department ang suspek na si Kelven Ferolino, 38 anyos, na nadakip noong nakaraang linggo sa Cypress Ridge Care Center matapos siyang isuplong ng isang kasamahan sa trabaho.

Ayon  kay Cypress Ridge Administrator Ryan McCormack, hindi na pinag-report sa trabaho si Ferolino habang isinasagawa pa ang imbestigasyon sa alegasyon laban sa kanya.

Ilang residente ng Monterey ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala dahil sa insidente.

“My grandmother is in a facility in Monterey here as well and so it concerns me greatly whether the facilities that our loved ones are in are diligent and careful,” ayon sa residenteng si Aaron Eden.

Nahaharap si Ferolino sa kasong panghihipo sa maselang bahagi ng katawan nang walang pahintulot at elder abuse. Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng may iba pang naging biktima Pinoy nurse assistant.

“There’s multiple patients, obviously, at the care facility. At this time, we have not identified any other victims but the detectives are still continuing their investigation,” ani Lt. Jake Pinkas ng Moterey P0lice Department.

Imahe mula sa Monterey Police Department

Nagpahayag naman ang pamunuan ng Cypress Ridge Care Center na hindi nila kinukunsinti ang mga maling gawain ng mga empleyado.

“The allegations made against this former team member do not reflect the values we hold at our facility. Our priority remains to provide the highest level of care for the patient and their families,” ani Ryan McCormack.

Itinakda ang piyansang $30,000 para kay Ferolino.

Loading…