Pizza ang labanan: Delivery motorcycle ng Yellow Cab at simpleng pizza business na Yellow Pedicab, nag-krus ang landas

  • Trending sa social media ang larawan ng tila pagtutuos ng dalawang pizza brand
  • Nag-krus na kasi ng landas ang Yellow Cab delivery motorcycle at ang sidecar ng Yellow Pedicab
  • Maraming netizens ang na-good vibes sa larawan at nagkanya-kanyang kampi sa mas masarap na pizza sa dalawa

Isa sa mga paraan ng mga Pinoy upang mapansin ang kanilang negosyo ay ang lagyan ito ng wit o humor. Sa ganitong paraan, mas madaling tatatak ang mga ito sa mga mamimili. At sa panahon din ng social media, kapag mayroong nakaaaliw na pangalan ang negosyo, mas malaki ang tsansa na ito ay mag-viral na malaking tulong din sa pagpapakilala ng kanilang serbisyo o produkto.

At sa isang Facebook post ng netizen na si John Abacan, makikita ang tila ‘pagtutuos’ ng isang simpleng pizza business at ang mismong brand na pinaghanguan ng pangalan ng simpleng negosyo. Sa unang pagkakataon ay nagkrus ang landas ng Yellow Cab at Yellow Pedicab na parehong nagtitinda ng paborito nating pizza.

Larawan mula sa Facebook post ni John Abacan

Sikat na pizza parlor ang Yellow Cab. Maituturing na itong institusyon sa paghahatid ng masasarap na pizza at iba pang pagkain na binabalik-balikan ng kanilang customers. Dahil sa pagkatanyag, hinango ng isang pizza vendor ang pangalan ng kanyang simpleng pizza business sa Yellow Cab.

Dahil naka-sidecar bike lamang ang tindahang ito ng pizza upang malibot ang sulok-sulok ng kanilang lugar, ipinangalan niya rito ang Yellow Pedicab. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkatagpo ang delivery motorcycle ng Yellow Cab at ang sidecar ng Yellow Pedicab.

Swerte namang nakuhanan ni John ng larawan ang tila paghaharap na ito ng dalawang pizza brands. Maraming netizens naman ang naaliw sa tila ‘face-off’ ng Yellow Cab at Yellow Pedicab. Habang isinusulat ang kwentong ito, mayroon nang higit 4,100 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 6,500 shares ang post.

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang nakakatawang pahayag tungkol sa dalawang pizza brands. Ang ilan ay nagkaroon pa ng kampihan kung anong pizza ang bibilhin nila sa dalawa. May nagsabing doon pa rin sila sa orig, habang sa iba naman ay mas tatangkilikin daw nila ang mura at mas masarap na Yellow Pedicab.

Larawan mula sa Pexels

May ilan namang nagsabi na dahil viral na ngayon ang larawan ng Yellow Pedicab ay maaari daw gumawa ng hakbang ang pamunuan ng sikat na pizza brand dahil maaaring paglabag ito sa intellectual property code.

Ganito rin ang kaso ng isang sari-sari store sa Agusan del Norte na ipinagalan sa isang sikat na convenience store. Ipinatanggal ito ng manager ng 7-Eleven at agad namang tumugon ang may-ari ng sari-sari store.

Loading…