PNP nagbabala sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon; Task force kontra fake news isinulong

Imahe mula sa Unsplash
  • Bumuo ang Philippine National P0lice ng task force na tutugis sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon
  • Aniya, nakadadagdag daw ang mga fake news sa panic ng mga tao sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon
  • Babala pa ng mga awtoridad, ang mga mahuhuli ay haharap sa kas0ng paglabag sa Republic Act 10175 o Anti-Cybercrime Law

Upang mapigilan ang pagkalat ng fake news sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon ay bumuo ng task force ang Philippine National P0lice (PNP) na tutugis sa mga pinagmumulan nito.

Imahe mula sa Wikipedia

Sabi ni PNP Deputy Chief for Operations P0lice Lieutenant Gen. Guillermo Eleazar, binuo nila ang Task Force COVID Kontra Peke sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology dahil nakadadagdag ang ganitong mga maling impormasyon sa panic ng sambayanan.

“Nananawagan tayo sa ating mga kababayan na huwag makisakay doon sa magki-create ng kaguluhan, lalo yung maglalabas ng peke na mga news, mga fake news. Kaya nga po ang ating chief PNP, nag-utos po siya, in coordination with ating DICT, na mag-create po kami ng Task Force COVID Kontra Peke,” ani Eleazar, ayon sa GMA News.

Hahanapin daw nila ang mga nagkakalat ng pekeng impormasyon  at maaaring humarap ang mga ito sa kas0ng paglabag sa Republic Act 10175 o Anti-Cybercrime Law.

Imahe mula sa Unsplash

Dagdag ni Eleazar, hindi lamang ang mga nagpapakalat ng fake news ang kanilang hahanapin kung hindi maging iyong mga nananamantala sa sitwasyon at nagbebenta ng overpriced na mga face mask at alcohol na in demand ngayon.

Paalala rin niya, hindi dapat ibenta ang quarantine pass na ginagamit ng mga residente upang makalabas sa gitna ng quarantine.

“May nahuli na po tayo niyan sa Mindanao. Nagbigay ng direktiba na hulihin ang mga barangay officials na ito na naniningil sa pagbibigay nila ng barangay pass,” aniya.

Source :

PNA

Loading…