POGO operation mananatili, buwis na nakokolekta gagamiting pondo sa pagtugon sa COVID-19

  • Hindi ipasasara o ipasususpinde ni Pang. Duterte ang operasyon ng mga POGO
  • Ang buwis na nakokolekta mula sa POGO ay magagamit sa mga programa ng pamahalaan, lalo na sa pagtugon sa banta ng COVID-19
  • Ang problema sa POGO operations ay malulutas umano sa tamang pagpapatupad ng mga batas at regulasyon

Hindi ipasasara o ipasususpinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil ang buwis na nakokolekta mula sa mga ito ay maaaring gamitin bilang pondo sa mga programa ng pamahalaan kabilang na ang pagtugon sa banta ng COVID-19.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Ginawa ni President Duterte ang desisyon matapos mabasa ang revenue report mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nagsasabing kumikita ang gobyerno sa operasyon ng mga POGO sa bansa.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na matapos mabasa ng Pangulo ang PAGCOR report ay nagdesisyon ito na magagamit sa government programs ang buwis mula sa mga POGO.

“He (Duterte) told me yesterday that the PAGCOR head submitted a good report to him, so okay. We really need the funds from those operations,” pahayag ni Panelo.

“We have a lot of projects that need funding — for the increase of salaries of nurses, teachers. Now we have this problem with the coronavirus, we can also tap that. All of those can be done. Because the money we get from whatever sources is for the government, so the government can use that in any undertaking,” dagdag pa niya.

Ilang mambabatas ang nananawagan na ipasara ang mga POGO sa bansa dahil sa mga illegal activities na kinasasangkutan ng mga workers nito, partikular na ang mga Chinese nationals.

Imahe mula sa PCOO

Sinagot naman ito ni Panelo na ang mga isyung ipinupunto ng mga nasabing mambabatas ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga kaukulang batas at regulasyon.

“The problems in the operations, that can easily be solved. All you have to do is to implement established laws and regulations,” aniya.

Loading…