PopCom, nagbabala tungkol sa posibleng paglobo ng populasyon dulot ng quarantine sa mag-asawa

  • Pinalalahanan ng Population Commission (Popcom) ang mga mag-asawa at mag-partner na maging responsable habang ipinatutupad ang quarantine
  • Ayon sa grupo, posibleng lumobo ang populasyon dulot ng pagkakaroon ng mas maraming oras ngayon ng mag-asawa sa loob ng kani-kanilang tahanan
  • Dapat umanong pag-isipan ng couples ang maaaring negatibong epekto ng pagbubuntis sa panahong karamihan sa mga health personnel ay abala sa pagsugpo ng C0VID-19

Nagpaalala ang Population Commission (Popcom) sa mga mag-asawa at magpartner tungkol sa tamang pagpaplano para sa kanilang pamilya sa kasagsagan ng paglaban ng nakararaming health workers sa c0ronavirus disease.

Imahe mula sa Pixabay

Ayon sa grupo, posibleng mas lumobo ang populasyon ng bansa lalo na’t mas maraming oras ngayon ang mag-asawa na magkasama sa loob ng kani-kanilang tahanan.

“Every time may crisis situation katulad nung Yolanda, ang situation ngayon mayroon tayong epidemic and magkakaroon ng restriction or nako-confine ‘yung mga tao sa bahay, there’s always a finding na tumataas ang reproductive health needs ng population,” ani Popcom Executive Director Juan Antonio Perez III.

“Life goes on lalo na sitwasyon na laging magkasama ang mga couples sa bahay at limited ang activities. We realize na hindi naman maiiwasan na magkaroon ng ganitong activity.”

“We’d like to caution in general all couples to be responsible parents and we’d like to offer them the opportunity na makapagplano pa rin ng pamilya kahit sa panahon na ito,” dagdag niya.

Maaari rin umano magkaroon ng “baby b0om” sa kasagsagan ng C0VID-19 crisis dahil karamihin sa mga couple ay hindi makapunta sa health centers upang makakuha ng regular na serbisyo kaugnay sa kanilang reproductive health.

“In a situation na mayroong enhanced community quarantine, we feel na hindi makakalabas ‘yung mga kababaihan na nangangailangan ng services para magpunta sa center or sa mga health provider, to get regular health services,” he said.

Imahe mula sa Pixabay

Dapat din umanong pag-isipan ng couples ang maaaring negatibong epekto ng pagbubuntis sa panahong karamihan sa mga health personnel ay abala sa pagsugpo ng C0VID-19.

Nakikipagtulungan na ngayon ang komisyon sa mga barangay health workers at volunteers upang kahit papaano ay maibigay ang serbisyong kinakailangan ng couples para sa kanilang family planning.

Loading…