Praktikal na: Carla Abellana gustong magkaroon sila ng prenup agreement ni Tom Rodriguez bago ikasal

  • Nais ni Carla Abellana na magkaroon sila ng prenuptial agreement ni Tom Rodriguez kung sakali man na ikasal sila
  • Praktikal at may personal na kadahilanan ang dalaga para hilingin ito sa kasintahan
  • Hindi naman daw tutol si Tom sa gustong mangyari ni Carla na halos limang taon na niyang kasintahan

Nalalapit na rin kaya ang kasalang Carla Abellana at Tom Rodriguez? Kabilang sila sa mga showbiz couples na inaabangan ng kanilang mga tagahanga na magpakasal.

Sa isang panayam ng Pep sa 33-anyos na aktres, sinabi nitong handa na siyang magpakasal dahil nasa hustong gulang na ito. Halos limang taon na rin ang relasyon ng dalawa na magkasama sa teleserye ng GMA 7, ang Love of My Life.

Iimahe mula sa Facebook page ni Carla Abellana

Samantala, sinabi naman ng dalaga sa isang press conference na naniniwala si Carla na napakahalaga na magkaroon ng prenuptial (prenup) agreement ang dalawang magkasintahan na nagbabalak magpakasal.

Nang tanungin ng Pep si Carla hinggil dito, ipinaliwanag naman ng dalaga na ang prenup agreement ay isang praktikal na hakbang para sa kinabukasan ng mag-asawa at ng kanilang magiging anak.

Ayon pa umano kay Carla, nabanggit na niya ito sa kasintahan sakali man na dumating ang panahon na sila ay ikakasal na.

Gayunman, binigyang-diin ni Carla na kung naniniwala sa bisa ng kasal ang magkarelasyon, hindi naman aabot sa punto na maghihiwalay ang mga ito.

May personal na kadahilanan si Carla kung bakit niya gusto ng prenup agreement. Nilinaw rin ng aktres na ito ay hindi dahil sa kawalan niya ng paniniwala sa bisa ng kasal.

“But because, siguro po, personally, coming from a broken family, I know what it’s like to be there, to be a single mom. Kumbaga, it’s just one way for a woman as well to protect herself, just in case things don’t work well in the marriage,” paliwanag ng aktres.

Samantala, tiniyak din ni Carla na hindi tutol ang kaniyang kasintahan sa gusto nitong mangyari.

Imahe mula sa Facebook page ni Carla Abellana

Ayon sa Artikulo 75 ng Family Code of the Philippines, malaya ang dalawang ikakasal na magkaroon ng legal na kasunduan kung paano nila pamamahalaan ang kani-kanilang ari-arian, lalo na kung dumating ang panahon na sila ay kailangan nang maghiwalay.

Nilalaman din ng kasunduang ito kung anong ari-arian ang para sa kanila bilang mag-asawa at kung ano-ano ang para lamang sa bawat isa.

Source :

Pep, Pep, HG Org

Loading…