Pres. Duterte, inatasan ang mga barangay captain na tugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan

  • Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay captain at barangay officials na sagutin ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan
  • Kabilang na umano sa mga dapat nilang gawin ay ang pagsusuplay ng pagkain sa mga residente
  • Sinabi rin ng Pangulo na maglilibot ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maghanap ng mga nagugutom sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon

Isang araw pa lamang ang nagdaan simula nang maipatupad ang community quarantine sa buong Metro Manila, itinaas na agad ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, March 16, ang estado ng health security sa buong Luzon.

Imahe mula sa Youtube video ng GMA News

Sa pre-recorded video kung saan mapapanood ang pahayag ng Pangulo, isinailalim na niya sa “enhanced community quarantine” hindi lang ang Metro Manila, kung hindi pati ang buong Luzon dahil na rin sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Kasabay naman ng anunsiyo ang pag-atas ni Presdent Duterte sa mga barangay captain at barangay officials na tugunan ang pangangailangan ng kanilang constituents sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

“The barangay captains (chairman) should call a number and at least food, rice and some, ano, ulam, puwede niyong ibigay para sa ating mga kababayan,” sabi nito.

Iginiit nito na dapat gawin ng mga namumuno sa kanilang barangay ang kanilang mga tungkulin tulad na lamang ng pagdi-distribute ng suplay ng pagkain sa kani-kanilang mga residente.

Sinabi rin ng Pangulo na maglilibot ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maghanap ng mga nagugutom sa lansangan at para mabigyan ang mga ito ng tulong sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Bagama’t mahigpit na ipinayo ng Malacañang sa publiko na huwag munang lumabas ng kani-kanilang tahanan at huwag pumasok sa trabaho, sinabi naman nito na maaari pa ring magpunta ang mga residente sa grocery para makabili ng kanilang mga pangangailangan.

Imahe mula sa Youtube video ng GMA News

Inirekomenda nito na isang tao lamang sana kada pamilya ang lalabas upang hindi na lumaganap pa ang novel corona virus o COVID-19.

Panoorin muli ang salaysay ng Pangulo sa ibaba:

Source :

Youtube, CNN, ABS-CBN

Loading…