
- Tinanggap ni PACC Chair Dante Jimenez ang hamon ng pagiging Co–Chair ng Inter-Agency Committee on Anti-ill
egal Drugs o ICAD - Pinirmahan na niya ang acceptance statement at gumamit pa ng sariling du
go - Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens
Nilagdaan ni Presidential Anti-Corruption Commission Chair Dante Jimenez ang acceptance statement bilang bagong talagang Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) co-chair sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo nitong Martes, Marso 3, 2020.
“I sign this acceptance with my own blood, to represent the thousands of victims of illegal drugs, and as a manifestation of my commitment to the unrelenting war against this social menace that must be destroyed by all means,” saad ni Jimenez sa isinagawang press briefing sa Malacañang.

Tinawag niya ang kaniyang assistant upang maisagawa ang kakaibang paglagda. Papalitan ni Jimenez si Vice President Leni Robredo, na hinawakan ang ICAD sa loob lamang ng 18 araw.
Binuo ng Pangulong Duterte ang ICAD noong Marso 2017 sa pamamagitan ng isang executive order upang matigil na ang talamak na bentahan at paggamit ng mga ipinagbabawal na aytem.
Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.
“Just another show and very risky, imagine you need to wear gloves to handle that paper. Kadiri kaya kasi any blood is considered bio hazard. Not safe, not hygienic at all,” sabi ng isa.
“Papansin naman ito. Gusto sumikat, sir? Hehehe,” banat naman ng isa.
“Kakaloka. It is symbolic. Ibig sabihin, it’s a blo0dy campaign na naman para masawata na ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa bansa. I found it astig. I support you sir!” bulalas naman ng isa.
Turan naman ng isa pang netizen, “Ano feeling mo nasa pelikula ka?? Kunwari bayani. Dami mong pautot gawin n’yo na lang trabaho n’yo nang naaayon sa batas at walang mahirap na maiipit.

Noong unang panahon, tinatawag na pacto de sangre ang proseso ng pagkakasundo sa pamamagitan ng pagsasama–sama ng mga dugo ng mga nagkasundo at sabay–sabay na pag–inom nito.