Presyo ng bawang sa Tunisia dumoble dahil sa haka-hakang mabisa itong panlaban sa COVID-19

  • Presyo ng bawang sa Tunisia sumibat pataas dahil sa mga haka-hakang mabuti itong panlaban sa COVID-19
  • Kinontra ng WHO ang maling haka-haka
  • Sa kabila ng babala ng WHO, patuloy ang mga Tunisians sa pagbili ng mga bawang na nagbunsod sa pagtaas ng presyo nito

Sumirit ang presyo ng bawang sa Tunisia, isang bansa sa Maghreb region sa North Africa, dahil sa mga kumalat na haka-hakang mabisa itong pangontra laban sa COVID-19.

Imahe mula sa Abante

Sa kabila ng babala ng World Health Organization na huwag maniniwala sa mga haka-haka, dinagsa ng mga mamimili ang central market sa nasabing bansa; maging ang mga supermarket at iba pang tindahan na nagbebenta ng bawang.

Umabot na ang presyo nito sa pagitan ng 20 at 25 dinars kada kilo. Noon ay mabibili lang ito ng 8 Dinars per kilo.

Ayon sa isang nagtitinda ng bawang, hindi na niya iyon maibenta ng 12 dinars per kilo katulad ng dati dahil mataas na ang puhunan niya dito.

“Before, I used to buy five kilos for eight dinars a kilo and would sell it for 12, but now I can’t buy it anymore because the price has gone up so much”, anang garlic vendor sa central market ng Tunisia.

Marami umanong Tunisians ang naniwala sa mga kumalat na social media posts na mahusay na panlaban ang bawang sa COVID-19.

Kinontra naman ito ng WHO at nagbigay ng pahayag sa kanilang official website ukol dito.

Imahe mula sa WHO

“Garlic is a healthy food that may have some anti-microbial properties. However, there is no evidence from the current outbreak that eating garlic has protected people from the new coronavirus,” ayon sa “myth buster” page ng WHO website.

Sa kasalukuyan ay may anim nang COVID-19 cases sa Tunisia.

Loading…