Proud batang probinsya: Mga pababang bahagi ng bundok, instant giant slide ng mga bata noon

  • Nagbalik sa alaala ng mga netizens ang isang video ng laro ng mga batang probinsya
  • Makikita kasi sa video ang pagpapadulas ng mga bata sa pababang bahagi ng isang bundok
  • Isang araw pa lamang sa social media ang video ngunit umani na ito ng mahigit 2.5 milyong views

Noong mga panahong wala pang makabagong teknolohiya, kanya-kanyang diskarte ang mga bata kung paano nila aaliwin ang mga sarili. Dahil wala pang cellphone, computers, at iba pang gadget, madalas na makita ang mga bata noon na naglalaro sa labas kasama ang mga kaibigan.

Kultura na rin lalo na sa mga lalawigan ang maglaro sa iba’t ibang lugar kung saan makapag-aaliw ang mga ito gaya ng mga ilog, dalampasigan, bukirin, at maging mga burol at bundok. Ganito ang laman ng video na in-upload ng netizen na si Ro Mel.

Larawan mula sa Facebook video ni Ro Mel

Makikita sa kanyang maikling video ang paglalaro ng maraming batang probinsya sa pababang bahagi ng isang bundok. Masaya silang nagpapadausdos sa paibabang bahagi gamit ang balat ng sanga ng isang puno. Animo’y nasa slide ang mga bata na sinasabayan pa ng tili at sigaw kapag dumudulas na sila.

Karamihan din sa mga bata ay tinatanggal ang kanilang tsinelas dahil inilalagay nila ito sa kanilang kamay na nagsisilbi rin nilang alalay sa pagpapadulas. Ang iba naman ay isinasapin sa kanilang pwet ang tsinelas para hindi ito masaktan kapag nagpapadausdos sila.

Agad namang nag-viral sa social media ang post na ito ni Ro Mel. Habang isinusulat ang balitang ito ay walang isang araw nan aka-upload ang video ngunit mayroon na itong 7,200 reactions, 88 comments, at 36,000 shares. Mayroon na rin itong halos 1 milyong views.

Maraming netizens kasi ang naka-relate sa video lalo na iyong mga lumaki sa probinsya. Sa mga lungsod kasi tulad ng Maynila ay bihira ka nang makakita ng mga hindi patag na lugar kung saan pwedeng mag-slide. Hindi tulad sa mga probinsya na sagana sa mga ganitong tanawin at lugar.

Larawan mula sa Facebook video ni Ro Mel

Sabi ng ilan, ganito raw ang kanilang paboritong laro noon. Minsan nga raw ay nagkakarera pa silang magkakaibigan para mas masaya. Madalas naman daw silang makagalitan ng kanilang mga nanay dahil sigurado raw na marumi ang kanilang short matapos magpadulas.

“Mga kapatid oh, naaalala n’yo to? Ka-miss maging bata. Lagi akong nauwing may sugat dahil diyan. Napakasimple lang ng buhay noon walang gadget. Mahirap pero masaya,” pahayag ng isang netizen na nag-share ng video.

Panoorin ang simple pero nakaaaliw na paglalaro ng mga proud na batang promdi!

??Wara mo ja guro n agyan…Rich ka kasi?????

Posted by Ro Mel on Thursday, March 5, 2020

Loading…