Publiko, binalaan laban sa mga nagpapanggap na “sanitation team” sa mga bahay–bahay

  • Huwag umanong tatanggap ng mga taong nagpiprisinta ng “home sanitation o disinfection sa mga kabahayan
  • Hindi raw ito awtorisado ng pamahalaang lokal at nasyonal
  • Agad na isumbong sa mga barangay o awtoridad kung naranasan ito

Binalaan ng “Philippine News Agency” o PNA ang publiko na walang anumang authorized group na itinalaga o binuo ang lokal o nasyonal na pamahalaan upang magsagawa ng sanitasyon o pagdi–disinfect sa mga kabahayan., lalo pa’t marami na ang mga nag–uulat na nagsasagawa nito sa ilang barangay.

Ayon sa Facebook post ng PNA, maging alerto at maingat ang lahat lalo’t marami ang nananamantala sa sitwasyon ng pananalasa ng  COVID–19 bilang pandemic sa buong Pilipinas. Nakasaad sa kanilang post na, “BEWARE: There are NO groups authorized by the government to sanitize homes from #Covid19.”

Imahe mula sa Facebook account ng PNA

Sa pagpapatuloy, “Please be alert and careful. Kindly inform all family and friends not to open the door to any person or group claiming to be in charge of any party to sanitize homes from the virus. These criminals have looted many houses with this deceptive method. Please circulate as broadly as necessary.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Here at our place, barangay officials sanitized our homes, vehicles, gates, doors, even tricycles last week. Official barangay activity po namin ito.”

“We have to be careful there, we never know what kind of people or group they are, just don’t open the door and be alert in our surroundings. Mas mainam na po ang nag–iingat. Huwag basta magtitiwala sa mga strangers,” turan naman isa.

Saad naman ng isa, “The key is in us. Never entertain any stranger. Our own barangay is the only responsible authorities when it comes to solving problems and concerns like that. Be responsible and vigilant, everyone.”

Imahe mula sa Facebook account ng PNA/Public Domain Image

Marami na kasi ang mga naglalahad ng kanilang karanasan hinggil sa naturang modus. Samantala, agad na isumbong sa inyong mga barangay o pulisya ang mga pangkat na ito na nananamantala sa sitwasyon. Mas mainam na ang nag–iingat.

Loading…