Realisasyon ni Sen. Manny Pacquiao sa gitna ng COVID-19: Kahit anong ganda ng kotse mo, wala kang mapuntahan

Imahe mula sa Instagram | Manny Pacquiao
  • Sa gitna ng COVID-19 ay napagtanto ni Sen. Manny Pacquiao na nawawalan din ng halaga ang mga materyal na bagay
  • Ito ang dahilan kung bakit dapat daw na mas pagtuunan ng pansin ang oras na ibinibigay sa mga mahal sa buhay
  • Sumasailalim ngayon si Sen. Pacquiao sa quarantine matapos makasalamuha ang mga kapwa senador na nagpositibo rito

Sa gitna ng COVID-19 pandemic na patuloy na nakaapekto sa iba’t ibang bansa ay napagtanto ni Sen. Manny Pacquiao na hindi dapat hinahangad ang materyal na bagay dahil nawawalan ito ng halaga.

Imahe mula sa Instagram | Manny Pacquiao

“Walang value ‘yung pera ngayon ‘no? Kahit ang dami mong pera, wala kang mabili, kasi lahat sarado. Kahit anong ganda ng kotse mo ngayon, wala kang mapuntahan. Kahit LV o Gucci pa ang suot mo, nasa bahay ka lang din naman,” sabi niya sa isang pahayag.

Sa oras ng krisis kagaya nito raw maiisip ng mga tao na mas mahalaga ang oras na iginugol mo kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

“In this time of crisis, you’ll appreciate more all your memories and quality time with your families and friends. ‘Yun lang ‘yung meron tayong lahat ngayon,” sabi pa ng senador.

Matatandaang umani ng papuri sa social media si Pacquiao dahil sa pagiging aktibo nito sa pagtulong sa mga frontliner. Nakipagtulungan siya kay Alibaba Founder Jack Ma upang makabili ng test kits. Nag-donate din siya ng face masks at umupa ng mga bus para sa frontliners.

Imahe mula sa PNA

Sa ngayon ay sumasailalim sa quarantine ang senador matapos mag-positibo sa virus ang mga kapwa senador niyang sina Sen. Koko Pimentel, Sen. Sonny Angara, at Sen. Juan Miguel Zubiri.

Gamit ang kit mula sa South Korea ay nakapag-COVID testing na si Pacquiao at napag-alamang negatibo siya rito. Gayun pa man, handa raw siyang sumailalim sa confirmatory test sakaling makaranas ng sintomas.

Hiling ng senador, sana kapag nalagpasan na ng mga Pilipino ang pagsubok na ito ay mapagtanto nilang hindi mga bagay ang dapat hangarin sa buhay.

“Kaya pagtapos ng lockdown na ito, we should learn to humble ourselves na it is not the material things that we should crave for. It is about our relationship to God and the memories and the legacy that we will leave to our children,” aniya.

Source :

GMA News, Tempo

Loading…