Recitation bago makapasok: Guro ipinakita ang magiging eksena kung sila ang magbabantay sa checkpoint

Imahe mula sa Facebook | Erika Quintos
  • Gumawa ng video ang isang guro upang ipakita kung ano ang magiging eksena kung sila ang magbabantay sa mga checkpoint
  • Aniya, susundin nila ang mga ginagawa nila sa loob ng classroom kaya naman magkakaroon din ng recitation
  • Kapag hindi nasagot nang tama ng dadaan ang mga tanong ng guro ay hindi muna siya papayagang lumabas at pagsasabihan muna na mag-review

Kinaaliwan ng netizens ang isang guro na gumawa ng TikTok video na nagpapakita kung ano ang mangyayari kapag sila ang inatasang magbantay sa mga checkpoint.

Imahe mula sa Facebook | Erika Quintos

Sabi ni Erika Quintos, baka walang makadaan sa mga checkpoint kapag sila ang nagbantay dahil susundin nila ang mga ginagawa sa loob ng silid-aralan. Una raw ay magdarasal muna. Pagkatapos ay ang cleanliness, kung saan ay iche-check kung carrier ng virus ang daraan.

Kapag nakapasa ay isusunod naman ang attendance kung saan sisiguraduhin na isang miyembro lamang ng pamilya ang lalabas at may dala itong quarantine pass. Ang huling bahagi naman daw ay ang pagre-review, kung saan marami ang hindi nakalulusot. Dito, susukatin ang kaalaman ng tao tungkol sa COVID-19.

“Kapag umuubo po ano po ang dapat gawin? Ay, hindi po muna dadalhin sa 0spital, tatakpan po muna yung bibig,” sabi ng guro.

Ilan pa sa mga itinanong ng guro ay kung saang bansa nanggaling ang COVID-19 at kung ano raw ang English ng paniki. Kapag hindi nasagot ang mga tanong niya ay hindi muna papayagan dumaan ang kausap dahil kailangan pa nitong mag-review tungkol sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Erika Quintos

“Paano kung ilagay ang mga guro sa mga checkpoints ? Naku, baka walang makadaan. Maraming ‘di makasasagot sa mga tanong namin,” aniya.

Marami ang natuwa sa kaniyang sense of humor sa gitna ng krisis. Sa kasalukuyan ay may 9.3k reactions at 9k shares na ito.

Ang ilang netizens, sinabing mababawasan ang mga tao sa labas dahil tiyak na marami ang hindi makakasagot sa mga tanong ng guro.  “Walang makapapamalengke kapag teachers ang nasa checkpoint,” ani T. Tapero.

Ang iba naman sinabing tila magandang ideya ang pagkakaroon ng recitation bago makadaan upang matiyak na tama ang impormasyon na alam ng mga Pilipino tungkol sa COVID-19.

Ano sa palagay mo?

Source :

Facebook

Loading…