Residente ng Mandaluyong, ipinagluto ang mga doktor bilang pasasalamat; may kalakip pang sulat

  • Pinasalamatan ng isang doktor ang isang kaibigang nagbigay ng masarap at masustansiyang pagkain para sa kanilang mga health workers
  • Pagpapakita umano ito ng pagpupugay at pasasalamat sa kanila na nasa bingit ng panganib sa pagsugpo ng COVID–19
  • Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens

Ang mga health workers gaya ng mga doktor, nurses, nursing aids, at lahat ng mga medical staff ay itinuturing na mga bayani ngayon, lalo pa’t sila ang mga nangunguna o “frontliners” sa pagsugpo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID–19 na patuloy na lumalaganap sa Pilipinas at iba pang mga bansa sa buong daigdig.

Kaya naman, marami sa mga mamamayan ang nagpapahatid ng kanilang pasasalamat para sa kanila, kahit sa simpleng paghahanda lamang ng pagkain.

Sa pamamagitan ng Facebook post, pinasalamatan ng isang doktor na nagngangalang “Madz Vincent Herrera Ibrahim” ang isang nagmalasakit na kaibigang residente ng Mandaluyong na mabigyan sila ng nutritious meal bilang pasasalamat sa kanilang kabayanihan.

Imahe mula sa Facebook account ni Madz Vincent Herrera Ibrahim

Ayon sa salaysay ng doktor, tinanong siya ng isang kaibigan kung maaari ba silang padalhan ng meal sa ospital. Ito raw ay paraan niya ng pagpapakita ng pasasalamat para sa mga katulad niyang frontliners. Pinaunlakan naman ito ng doktor. Masasarap at masusustansiyang pagkain ang tumambad sa kanila.

“While I’m on duty, a friend of mine messaged me to ask if he could send packed meals for the health workers and staff on duty. He is a resident of Mandaluyong himself and he just wanted to show his gratitude to our frontline health workers at our local government hospital. These meals are freshly cooked which he prepared himself and as you can see, it was obviously prepared with so much love,” ayon sa post.

Sa pagpapatuloy niya, “Hindi po ito kailangan pero nakakataba ng puso na may mga taong nais magparating ng tulong sa paraang alam nila at sa abot ng kanilang makakaya. Ito ay isang magandang halimbawa ng BAYANIHAN. Thank you so much, Kah! You know who you are (he doesn’t want to be tagged or mentioned). May Allah sweet bless you a thousand fold and may he keep you and your family safe from harm! Alhamdulillah. Allahu akbar!”

Kalakip ng mga pagkain ang isang sulat mula sa naturang residente na may mensaheng  “I am filled with immense gratitude to you for all your sacrifices, love and commitment. May Allah protect and blesss you always!” na nagmula kay Mandaluyong resident. Bukod sa kaniyang kaibigan, dumagsa pa ang ilan pang mga tulong mula sa iba pang samahan at organisasyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Madz Vincent Herrera Ibrahim

Samantala, may pahabol na menssahe naman ang doktor para sa lahat. Ipinaliwanag niya na dapat magkaisa ang lahat sa kabila ng pagkakaiba–iba sa relihiyon at paniniwala. Ito umano ang magiging sandata upang malabanan ang krisis sa kasalukuyan.

Aniya, “Sharing this to you to have a bit of something positive to uplift our spirits. These past days have been filled with anxiety. Hopefully we’ll realize soon that despite our differences, may it be politics, religion, we could still come and work together.”

Isang pagpupugay sa ating mga health workers at frontliners na itinuturing na “unsung heroes”!

Loading…