Rocco Nacino, Jasmin Curtis-Smith: Tambalan na magpapatunay na hindi kailangang ma-in love sa co-star

  • Ang tambalan nina Rocco Nacino at Jasmin Curtis-Smithay, isa sa mga gabi-gabing inaabangan sa telebisyon  
  • Ang kanilang karakter bilang Technical Sergeant Diego Ramos at Lieutenant Moira Defensor ay mapapanood sa Descendants of the Sun
  • Kahit may kani-kaniyang karelasyon, mas nananaig sa dalawa ang kanilang onscreen rapport

Ang kuwento ng pag-iibigan nina Technical Sergeant Diego Ramos at Lieutenant Moira Defensor ang isa sa mga gabi-gabing inaabangan ng mga manonood sa Filipino version ng Korean series na Descendants of the Sun.

Ang dalawang karakter sa teleserye ay ginagampanan nina Rocco Nacino at Jasmin Curtis-Smith.

Imahe mula sa GMA Descendants of The Sun PH Facebook page

Bagama’t sa kasalukuyang masaya sila sa kani-kanilang karelasyon, mas nananaig pa rin ang onscreen rapport nina Rocco at Jasmin.

Sa isang panayam ng Inquirer, sinabi ni Rocco na, hindi naman kailangang ma-in love sa katambal na artista para lang mapukaw ang interes ng mga manonood.

“As actors, we often work and get paired with different people. You don’t have to be in love with your co-star in real life in order for you to create ma­gic. It’s up to you to draw viewers into the fantasy,” ayon kay Rocco.

Ang kasalukuyang girlfriend ni Rocco ay isang volleyball player habang si Jasmin naman ay isang negosyante ang boyfriend.

Dagdag pa ni Rocco, nakatutulong din sa tambalan nila ni Jasmin ang pagiging open-minded ng mga fans at nauunawaan na onscreen lang ang lahat.

Sina Rocco at Jasmin ay unang nagkasama sa teleseryeng Pamilya Roces noong 2018 at doon nakita ng mga fans ang kanilang chemistry.

Para naman kay Jasmin, mahirap malaman kung hanggang saan makakarating at hanggang kailan tatagal ang kanilang bagong tambalan. Gayunman, naniniwala ang aktres na nakadepende ito sa kung pareho sila ng nais na mangyari at kung gaano kapalagay ang loob nila sa isa’t isa.

Imahe mula sa GMA Descendants of The Sun PH Facebook page

“It also helps when you both understand what it is you’re doing and what you want to deliver. When you work hard and inspire each other to improve, then you two have a good thing going on. That, too, can help create that magic,” paliwanag pa ni Jasmin.

Masaya ang dalawa dahil maganda ang kanilang working relationship.

Source :

Inquirer

Loading…