Rubbing alcohol sa halip na holy water ang ilalagay sa mga bukana ng mga simbahan sa Legazpi

  • Rubbing alcohol ang ilalagay sa bukana ng mga simbahan sa Legazpi, Albay sa halip na holy water
  • Sinabi ni Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi sa mga  mananampalataya na laging isaisip at gawin ang 3Ps – Prayer, Precaution at do not Panic
  • Ang mga misa sa Legazpi ay pansamantalang sinuspinde dahil sa COVID-19

Sa halip na holy water ay rubbing alcohol ang bubungad sa mga mananampalataya sa bukana ng mga simbahan sa Legazpi City, Albay sa Bicol Region bilang isa sa mga hakbang na ipinatutupad ng Diocese of Legazpi kontra sa COVID-19.

Imahe mula sa Wikipedia

Ang mga holy water font ay pananatilihing walang laman at maglalagay ng mga alcohol dispenser sa entrance ng mga simbahan doon bilang proteksyon sa mga nais mangumpisal at dumalo sa iba pang church activities sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa inilabas na Diocesan Circular, hinimok ni Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi ang mga mananampalataya na laging tandaan at gawin ang 3Ps – Prayer, Precaution at do not Panic – habang nahaharap ang buong bansa sa isang health crisis.

“As we continue to face this pandemic, let us observe and keep in our minds the 3 P’s: Prayer, Precautions and do not Panic,” ani Bishop Baylon.

Pinayuhan niya ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pagdarasal ng ”Oratio Imperata” at paigtingin ang pananalangin upang humingi ng Divine protection and intervention kontra sa outbreak ng COVID-19.

Bishop Joel Baylon/Imahe mula sa Mater Salutis College Seminary

Sinabi pa ng Bishop na patuloy silang nananalangin para sa mga scientists at medical experts na naghahanap ng lunas sa COVID-19 at ngangangalaga sa mga may karamdaman.

Samantala, ang mga religious events na may kinalaman sa darating na Holy Week, partikular na ang Linggo ng Palaspas, Holy Friday procession at Easter Sunday ay kanselado na sa nasasakupan ng Diocese of Legazpi

Kanselado na rin ang mga misa, subalit maaari namang magsagawa ng mga pribadong misa kung nais ng mananampalataya.

Loading…