Sa gitna ng franchise renewal issue: Kris Aquino, nagpasalamat sa ABS-CBN

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino
  • Nagpasalamat si Kris Aquino sa ABS-CBN, ang kaniyang home network sa loob ng maraming taon
  • Ito ay sa gitna ng franchise renewal issue na kinahaharap ng ABS-CBN
  • Ipinagdarasal niya raw ang lahat ng mga nakatrabaho niya sa loob ng halos dalawang dekada

Nagpaabot ng pasasalamat si Queen of All Media Kris Aquino sa ABS-CBN, ang kaniyang home network sa loob ng halos dalawang dekada, sa gitna ng kinahaharap nitong isyu sa franchise renewal.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Sa kaniyang Instagram post, binalikan ni Kris ang mga programang kinabilangan niya sa network kasama na ang Game KNB, Deal or No Deal, Kris TV, at Aquino and Abunda Tonight.

Taong 2016 nang umalis si Kris sa ABS-CBN. “Unfortunately, we don’t get to choose how a relationship ends, but I have learned, we do have a say in what memories we choose to keep,” ani Kris sa kaniyang post.

Ipinahayag niya rin ang suporta para sa mga dating katrabaho sa pamamagitan ng pagdadasal para sa kanila.

“My prayers and good wishes are with the marshalls, crew, cameramen, technical staff, production assistants and personnel, writers, creative teams, and EVERYONE I had the privilege of working with and learning from during my almost 20 years as Kapamilya,” sabi ni Kris.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Dagdag niya pa, saksi ang network sa iba’t ibang milestones sa kaniyang buhay kaya malaki ang pasasalamat niya rito.

“I am only expressing sincere, heartfelt THANKS for what shall forever be an unforgettable period, where my personal and professional lives seamlessly intersected — both my sons went from crawling to running while celebrating our many milestones on ABS-CBN,” pagbabalik-tanaw pa niya.

“Now it is part of my growth as an individual, to set myself free of anticipated moves and labels; everyday learning to hold on to only what had been good, letting go of what wasn’t, and nurturing an optimistic heart full of LOVE, HOPE, and GRATITUDE,” sabi niya.

Kamakailan lamang ay tinanggap ni Pang. Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN sa mga hindi naiereng campaign ads niya noong 2016.

Bago ito ay tahasang ipinahayag ni Pang. Duterte ang kaniyang pagtutol sa franchise renewal ng network.

Loading…