Sa pagtatapos ng GGV: Vice Ganda nagpasalamat sa mga taga-suporta

Imahe mula sa Instagram | Vice Ganda
  • Nagpasalamat si Vice Ganda sa lahat ng mga sumuporta sa Gandang Gabi Vice (GGV) na nagtapos na noong Linggo
  • Pangarap lamang daw niya noon ang maging host sa sarili niyang show
  • Papalitan ang GGV ng Everybody Sing, kung saan si Vice Ganda rin ang host

Sa huling episode ng Gandang Gabi Vice (GGV), nagpasalamat ang host nito na si Vice Ganda sa lahat ng mga sumuporta rito sa loob ng halos isang dekada.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News

Ipinaabot din ni Vice Ganda ang taos pus0ng pasasalamat sa lahat ng mga naging guest ng programa. “Hindi na natin mabilang kung ilan ang mga naging bisita sa programang ito — celebrities, non-celebrities, instant celebrities, politicians, artists, showbiz personalities, at mga pangkaraniwang tao na nag-viral sa social media,” aniya.

Humingi rin ng paumanhin si Vice Ganda kung may mga na-offend siya sa mga umereng episode ng GGV.

“I am not perfect; the show is not perfect. Sigurado ako may mga pagkakataon na nao-offend namin kayo, ang mga nakasanayan ninyo, o ang mga paniniwala ninyo sa buhay. O kaya naman, hindi ninyo trip yung ginagawa namin, we apologize. Wala kaming intensyon na masama pero maraming salamat pa rin. This is a very big blessing,” saad niya.

Dream come true raw para sa kaniya ang maging host ng sariling programa. “Malaking achievement na magkaroon ng programang katulad nito, Gandang Gabi Vice, na ako yung host. It was just a dream,” kuwento niya.

Imahe mula sa Instagram | Vice Ganda

Dagdag niya pa, isang season lang daw ang ipinangako sa kanila noon ngunit hindi niya na lamang namalayan na umabot na ng siyam na taon ang programa.

“Nine years ago, I was given the chance to host my own show and we were promised to air the show for one season. Ilang weeks lang yun and then nung last day ng first season, nagulat kami sinabi extended ng another season hanggang sa nagulat tayong nine years na ang Gandang Gabi Vice. Hindi lahat humahaba nang ganoon,” sabi ni Vice Ganda.

Ngunit hindi raw dapat mag-alala ang kaniyang mga taga-suporta dahil programa rin niya ang ipapalit sa GGV. Ito ay ang Everybody Sing.

“’Wag po kayong mag-alala, hindi ninyo ako mami-miss kasi same day, same time, mapapanood ninyo pa rin ako. Ibang title lang, ibang trip lang, pero sobrang saya, promise, dito sa Everybody Sing,” sabi ng host. “Mas marami tayong mababagong buhay, mas masaya tayong lahat. Hindi lang dalawa ang masaya kundi marami, daan-daan ang magiging masaya.”

Source :

ABS-CBN

Loading…