Sabi ko na Chucky: Netizen napagkamalang si Chucky Doll ang lola niya dahil sa porma nito

  • Trending ngayon ang isang lola dahil sa porma nito
  • Sabi kasi ng apo niya, parang si Chucky doll ang lola sa suot nito
  • Maraming netizens naman ang sumang-ayon dahil malaki raw talaga ang pagkakatulad ng suot ni lola at porma ni Chucky

Maraming kabataan, pati na rin matatanda, ang nasindak noon sa horr0r movie na Child’s Play. Kinatampukan kasi ito ng isang manyika na nasasapian ng masamang espiritu na mas nakilala bilang si Chucky. Dahil sa kasikatan ng nasabing nakagigimbal na manyika, nagkaroon pa ito ng ilang solo movies.

Naging iconic din para sa marami ang porma ni Chucky Doll. Maliban kasi sa pang-kontrabida nitong mukha, pinauso rin nito ang fashion statement na jumper at makulay na striped shirt na panloob. Marami nga sa atin ay nagko-costume ng ganito kapag mayroong mga Halloween party.

Larawan mula sa Facebook post ni Arron Kaye Eclevia

Ngunit ang isang netizen, nakakita ng tila nag-Chucky costume sa gitna ng buwan ng Pebrero kahit wala pa naman ang Halloween. In-upload ni Arron Kaye Eclevia ang larawan ng kanyang lola na hindi sinasadyang naging halos kapares ng porma ni Chucky doll.

Nakasuot ng jumper at striped blouse na panloob ang lola daw ni Arron. May kulay din ang buhok nito na kaparehas kay Chucky kaya naman nagbiro ito na akala niya raw ay si Chucky ang kanyang lola na abala noon sa pag-aayos ng kanyang sarili.

“Akala ko lola ni Chucky, lola ko pala,” biro ni Arron sa kanyang post na agad namang nag-viral sa social media. Nakakuha lang naman ito ng 5,600 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 447 comments, at 7,300 shares.

Maraming netizens ang na-good vibes sa birong ito ni Arron. Maging sila daw ay na-gets agad ang joke nito sa kanyang post dahil hindi naman daw maitatanggi na parang Chucky-inspired nga ang porma ng kanyang lola.

Larawan mula sa Flickr

May ilan namang nagsabi na tila napaaga ang pagdiriwang ng Halloween dahil sa costume ni lola. Pero komento naman ng ibang netizen, at least daw ay alam na ngayon ng lola ni Arron na mayroon na siyang puwedeng suotin kapag mayroong mga costume party.

Napagtanto naman ng ilang netizen na ganito rin pumorma na hindi pala magandang ipares ang striped shirt sa jumper. Baka naman daw sa susunod ay sila naman ang mag-viral at ihalintulad sa nakatatak0t na manyikang si Chucky. LOL

Loading…