Salaysay ng health worker na naging PUI, humaplos sa puso ng mga netizens

  • Nagbahagi ng kaniyang karanasan ang isang frontliner health worker sa harap ng pagsugpo sa COVID–19 
  • Naging PUI siya o person under investigation dahil sa exposure sa kaniyang pasyente
  • Sinabi niyang kahit na nangyari sa kaniya ito, ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtupad sa sinumpaang tungkulin

Kinaantigan ng mga netizens ang salaysay ng isang frontliner health worker na naging PUI o person under investigation dahil sa exposure sa kaniyang pasyenteng kumpirmadong nahawahan ng COVID–19 sa Las Piñas City, na hindi niya inaasahan.

Ibinahagi niya sa kaniyang mahabang Facebook post ang kaniyang karanasan, paglaban, at pagkakaroon ng pag–asa. Sinira daw ng naturang virus ang lahat ng kaniyang mga plano. Hindi naman daw siya nagkulang sa pagsusuot ng personal protective equipment at maya’t mayang paghuhugas ng kamay subalit tinablan pa rin siya.

Imahe mula sa Facebook account ng nagbahaging health worker

“I do my share of wearing personal protective equipment and frequent handwashing. Not because I’m afraid of contracting any illness myself, but because I have children I go home to to protect. Yet earlier today, I learned that no matter how cautious one can be, no one is invincible,” ayon sa kaniyang post.

Hindi na raw niya mabilang kung ilang beses siyang umiyak, lalo pa’t siya ay nagdadalantao. Natakot siya para sa kaniyang dinadala, subalit wala pa naman daw ulat na posible ang vertical transmission. Gustong–gusto na raw niyang yakapin ang kaniyang maliliit na anak na nasa bahay. Gustong–gusto na rin daw niyang makapiling ang kaniyang mga magulang, asawa, mga kaibigan, at kasamahan subalit hindi maaari.

“In times like this, my mind challenges my heart if everything is worth it. Yet my heart is strong in its conviction that yes, it is worth it! What started out as a desire in my young heart more than a decade ago has now become my life’s work and purpose,” sa pagpapatuloy.

Lahat daw ng trabaho o ginagawa natin sa ating buhay ay may layunin. Kahit na hindi ito mapahalagahan ng iba, hindi raw ito ang sukatan ng tagumpay. Kahit nangyari sa kaniya ito, muli raw siyang babalik sa kaniyang sinumpaang tungkulin — ang pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Public Domain Image

“We do it because it is our purpose. And whether you are appreciative or not, we do have our measures of success — and those are what keep us going,” aniya.

Hindi naman naiwasan ng mga netizens na humanga sa katatagan ng naturang health worker. Sila ang mga itinuturing na “modern day heroes” dahil katulad ng mga pulis at sundalo, sila ang humaharap ngayon sa kalabang hindi nakikita.

Isang pagpupugay sa lahat ng mga frontliner health workers na tumutupad nang buong–buo sa tawag ng kanilang sinumpaang tungkulin! Mabuhay po kayo!

Source :

Facebook

Loading…