Salute! Dentista namahagi ng protective gear, mask sa pulisya

Imahe mula sa Facebook | Paolo Barcelon/CNN
  • Pinag-uusapan sa social media ang isang dentista na namigay ng personal protective equipment (PPE) sa mga awtoridad na nagbabantay sa mga checkpoint
  • Aniya, ito lamang ang naiisip niyang paraan upang makatulong sa mga frontliners
  • Hiling ng ilan, sana raw ay mabigyan din ng gobyerno ng PPE ang ibang mga naatasang tumao sa mga checkpoint

Saludo ang netizens sa isang dentista na namahagi ng personal protective equipment (PPE) kagaya ng surgical masks at isolation gown sa mga awtoridad na nagbabantay ngayon sa mga checkpoint.

Imahe mula sa Facebook | Paolo Barcelon/CNN

Sa post ni CNN reporter Paolo Barcelon sa Facebook, ibinahagi  niya ang kabutihang-loob ni Noel Tacorda sa mga nakadestino sa Susana Heights sa Muntinlupa City. Dagdag pa niya, tinuruan din ni Tacorda ang mga ito ng tamang paggamit ng PPEs.

Sa isang komento, sinabi ng dentist na ito lamang ang naiisip niyang paraan upang makatulong sa mga frontliners. “’Yan lang po ang maitutulong ko sa ating bayan para sa mga hospital at frontliners. Nakaaawa rin. Pinag-aral din po kasi ako ng gobyerno,” aniya.

Marami ang humanga sa ginawang ito ni Tacorda lalo na ang mga kagaya niyang dentista.

“In these trying times, we, people in the dental profession, are really in need of those things. Yet, Dr. Tacorda extended his generosity and selflessness to his countrymen,” ani Johnne C. sa kaniyang komento.

“Salamat po sa inyong mabuting pus0, Dr. Tacorda,” komento ni E. Alecor.

Imahe mula sa Facebook | Paolo Barcelon/CNN

Hiling naman ni G.B., sana raw ay pangunahan ng gobyerno ang pamimigay ng PPE sa lahat ng mga naka-deploy sa mga checkpoint.

“Dapat pinangunahan ito ng gobyerno, since sila ang nagdeploy rito without any protection gear laban sa tunay nilang kalaban,” aniya.

“Tayo-tayo talagang mga simpleng mamamayan ang magtutulungan sa ganitong mga panahon.”

Matatandaang isinailalim sa community quarantine ang Metro Manila dahil sa tumataas na bilang ng kas0 ng COVID-19 sa bansa. Nagtalaga ng mga checkpoint sa iba’t ibang parte ng National Capital Region upang maiwasan ang pagpasok ng mga hindi empleyado sa rehiyon.

Suspendido na rin ang klase sa lahat ng paaralan sa Metro Manila hanggang sa April 12, 2020.

Source :

Facebook

Loading…