‘Saying that I’m against Vico Sotto is FAKE NEWS:’ Mocha Uson ipinaliwanag ang anti-Vico post sa kaniyang pahina

Imahe mula sa Instagram | Mocha Uson at Pasig City website
  • Ipinaliwanag ni OWWA Deputy Executive Administrator ang post sa kaniyang page na bumabatikos kay Pasig City Mayor Vico Sotto
  • Matatandaang umapela si Mayor Vico sa national government na payagang bumiyahe ang mga tricycle upang maihatid nila sa 0spital ang mga health workers
  • Ani Uson, maraming admin at blogger ang may hawak ng kaniyang page kaya ‘fake news’ na kontra siya kay Vico

Nilinis ni OWWA Deputy Executive Administrator Mocha Uson ang pangalan sa lumabas na post sa kaniyang page na mariing bumabatikos kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Imahe mula sa Facebook | Mocha Uson Blog

Matatandaang umapela si Mayor Sotto sa national government na payagang bumiyahe ang mga tricycle upang maihatid nila ang mga health workers. Isinailalim kasi sa enhanced community quarantine ang buong Luzon at upang matiyak na hindi muna lalabas ang mga residente ay sinuspinde na maging ang pampublikong transportasyon.

“Nagdadasal din po ako na ‘wag pigilan ng nasyonal na pamahalaan ang pag-operate ng mga tricycle dahil nakikita po natin sa ating risk assessment na mas delikado ang public health situation kung pagbabawalan ang lahat ng tricycle,” sabi niya sa isang interview.

Gayunpaman, isang pambabatikos ang nabasa ng netizens sa Facebook page ni Uson na MOCHA USON BLOG.

“Ito yung sinasabi ko e. Kaya ng ibang lugar, bakit itong si Mayor Sotto pabebe? Bukas pag-uusapan natin ito. Papaliwanag ko kung bakit sablay ang pabebe ni Sotto. Pero ang appeal ko sa DILG, bakit parang kayo pa ang nakikiusap sa Mayor? Apply the LAW and be strict. Parang walang PANDEMIC ah,” sabi ng post.

Sa bandang itaas ay may nakalagay rin na “POSTED BY ADMIN BANAT BY.”

Imahe mula sa Twitter | Mocha Uson

 

Dahil dito ay umani ng batikos si Uson mula sa mga taga-suporta ni Sotto.

Paliwanag naman ni Uson, maraming bloggers at admin daw ang may hawak ng kaniyang Facebook page at umiiral sa kanila ang free speech kahit magkakaiba sila ng opinyon.

“So, saying that I am against VICO SOTTO is FAKE NEWS since it was posted by another admin. I hope this clears everything,” ani Uson sa isang tweet.

Loading…