Sen. Bato Dela Rosa crush ng mga kolehiyala noon, tinawag na “Lieutenant Makisig”

  • Senator Ronald “Bato” Dela Rosa isang certified “crush ng bayan” noong bata pa
  • Isang throwback picture ang ipinost ni Sen. Dela Rosa sa Facebook
  • Binansagan daw siya noon ng mga kolehiyala bilang “Lieutenant Makisig”

Isa palang certified crush ng bayan si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa noong isa pa siyang pulis. Binansagan pa siya umano noon ng mga kolehiyala bilang “Lt. Makisig.”

Imahe mula kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa

Isang throwback picture ang ibinahagi ni Senator Bato sa kanyang social media account. Bata at nagsisilbi pa siya bilang isang Lieutenant sa Philippine Constabulary sa larawan. Matipuno ang pangangatawan at may mapanghalinang ngiti. Hindi nga nakapagtatakang mahumaling sa kanyang kakisigan ang mga kolehiyala noon.

“Back when I was a Constabulary 2Lt, kolehiyalas in Davao used to call me Lieutenant Makisig,” caption ni Senator Dela Rosa sa Facebook post.

Ilang followers niya sa Facebook ang nagsabing gwapo nga ang senador sa lumang larawan.

“Wow sir….you look good in this pix.”

“Ayy gwapo pala si senator. Mas iba talaga ‘pag well-built katawan ‘yong walang tiyan at payat.”

Makisig na makisig sir, until now.”

“Ang pogi mo pala Senator nung kabataan mo, could hardly recognize you in that picture. This is not to say though, that you are no longer pogi. Age nga lang makes a difference.”

Imahe mula kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbahagi si Senator Dela Rosa ng luma niyang litrato. Apat na taon na ang nakalilipas, noong bago pa lang siyang itinalaga ni President Rodrigo Duterte bilang Director General ng Philippine National Police, ay ipinost niya sa Facebook ang litrato niya noong may buhok pa siya.

“Sa mga nagtatanong kung ano raw itsura ko na may buhok,” caption ni Dela Rosa sa nasabing post.

Imahe mula kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa

 

Source :

Facebook

Loading…